Mining ban sa Pilipinas, panawagan ng Obispo ng Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,873 total views

Iginiit ni Borongan Bishop Crispin Varquez na walang mabuting maidudulot ang patuloy na pagpapahintulot sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Varquez, hindi dapat pahintulutan ng pamahalaan ang pagmimina na nagiging sanhi lamang ng pinsala sa kalikasan, lalo na sa mga mahihirap na pamayanang umaasa lamang sa pagsasaka at pangingisda.

“Hindi talaga dapat pinapayagan ang anumang klase ng mining. Destructive kasi ang pagmimina sa environment and community. Hindi lang ang mga tao ang mag-suffer kun’di kasama na ang kalikasan. Kaya ang Diocese of Borongan ay hindi talaga susuporta d’yan sa pagmimina lalo na dito sa Samar Island,” bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunita nitong Abril nang maglabas ng pahayag ang Diyosesis ng Borongan laban sa pagmimina sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Sinabi ni Bishop Varquez na sa kabila ng kanilang panawagan ay patuloy pa ring pinapahintulutan ang mga pagmimina sa isla na unti-unting sumisira sa likas na ganda nito.

“Hindi lang naman mineral ang kinukuha nila kun’di pati ‘yung lupa, yung ore mine nila. Kaya ano pang maiiwan sa mga tao? Nasisira na ‘yung magandang kagubatan at bundok dito. ‘Yung water system or source of water is affected na pati ‘yung marine life and farm areas,” ayon kay Bishop Varquez.

Kaya naman muling nanawagan ang Obispo sa mga kinauukulan na ihinto na ang pagbibigay ng permit sa mga kumpanya ng pagmimina para mapigilan at mailigtas pa ang Homonhon Island mula sa tuluyang pagkasira.

Kaugnay nito, kinondena nina Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos at Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang “Big brother-Small brother” strategy ng Department of Environment and Natural Resources na layong makatulong para sa pag-unlad ng sektor ng pagmimina sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,724 total views

 21,724 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,738 total views

 71,738 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,607 total views

 67,607 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,476 total views

 103,476 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,939 total views

 110,939 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top