Pasalamatan ang mga ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,100 total reads

Pinararangalan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga ina sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Ayon sa obispo nararapat kilalanin at pasalamatan ng bawat isa ang mga ina na nagsakripisyo upang ipadama ang pag-ibig sa kabila ng panganib na kaakibat ng pagdadalang-tao.

“Sa kanila natin nararamdaman ang pag-ibig. Kahit na may pagkukulang sila sa atin – at sino ba naman ang taong walang pagkukulang – kinikilala natin na dahil sa kanila, nandito tayo. Sa pagsilang nila sa atin, itinaya nila ang kanilang buhay. Ang panganganak ay isa sa pinakamapanganib sa buhay ng isang babae.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo.

Batid ni Bishop Pabillo na bukod sa siyam na buwang pagdadala sa sinapupunan ay mas malaki ang naging responsibilidad ng mga ina sa pag-aruga at paghubog sa mga kabataan habang lumalaki at maging ganap na bahagi ng kristiyanong pamayanan.

Tinuran nito ang pagtuturo sa mabuting asal, katesismo, pakikitungo sa kapwa at iba pang kasanayan na tanging sa mga ina nagsisimula ang pagkatuto.
Binigyang pugay din ni Bishop Pabillo ang mga inang nagtrabaho sa ibayong dagat para itaguyod ang pangangailangan ng pamilya.

Batay sa tala ng Statista Research noong 2021 nasa 60 porsyento sa Overseas Filipino Workers ang mga babae na karamihan ay nasa Middle East.
Dalangin ng obispo sa lahat ng mga ina ang katatagan at patuloy na paggabay ng Panginoon sa kanilang tungkuling arugain ang pamilya at gabayan ang mga anak sa mabuting landas tungo kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 209,276 total reads

 209,276 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 236,540 total reads

 236,540 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,662 total reads

 270,662 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 327,065 total reads

 327,065 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top