P1M halaga ng shabu nakumpiska ng BOC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,390 total reads

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang pagpasok sa bansa ng isang bagahe na may lamang P1.055 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa BOC ang idineklarang chocolate package ay nakitaan ng kahina-hinalang laman ng idaan sa x-ray inspection.

Nakita sa loob ang isang pack ng Nerds gummies na mayroong isang medium plastic at 10 maliliit na plastic na may lamang puting crystalline substances na nakumpirmang shabu sa isinagawang chemical laboratory.

Nahuli naman ang dalawang lalaki na tumanggap ng package sa isinagawang controlled delivery operation.

Tiniyak ni BOC District Collector Atty. Elvira Cruz na patuloy na paiigtingin ng tanggapan ang operasyon sa mga iligal na kontrabando na tatangkaing ipasok sa bansa alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Naunang naharang ng BOC-Port of Clark ang isang package na naglalaman ng 1.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P12.47 milyon.

Idineklarang laruan ang laman ng package na galing sa California, USA.

Nahuli ang 42-anyos na lalaki na tumanggap ng package sa isinagawang operasyon sa Mandaluyong City.

Kamakailan ay nadiskubre ng BOC ang P19 milyong halaga ng shabu sa isang inabandonang bag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Bukod sa mga tools at personal na gamit, nakita sa loob ng bag ang 2.846 kilo ng shabu.

Ang bag ay iniwan ng isang Ugandian na hindi pinayagang makapasok sa Pilipinas noong Disyembre 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 201,221 total reads

 201,221 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 228,820 total reads

 228,820 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 262,941 total reads

 262,941 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 319,345 total reads

 319,345 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top