Mamamayan ng Sibuyan, nag-rally sa DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,554 total reads

Nagsagawa ng prayer rally sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mamamayan ng Sibuyan Island, Romblon upang ipawalang-bisa ang Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC).

Ayon kay Bantay Kalikasan ng Sibuyan (BKS) president Alfredo Borda Pascual, patuloy ang paglabag ng APMC sa mga batas hinggil sa pagmimina, bukod pa rito ang panlilinlang sa tao at pamahalaan.

Inihayag ni Pascual na ilang liham na ang ipinadala ng BKS sa DENR upang ipanawagan ang pagpapahinto ng ilegal na pagmimina sa Sibuyan Island na hindi tinutugunan ng tanggapan.

“Nais din namin ipabatid na tutol ang taong bayan sa pagmimina sa Sibuyan dahil sa kasiraan na idudulot nito hindi lang sa kalikasan kundi sa kabuhayan ng mga tao,” pahayag ni Pascual.

Sinabi naman ni BKS member Pristine Garcia na mariin nilang tinututulan ang pagmimina sa isla dahil maliban sa pinsala sa likas na yaman ay banta rin ito sa kaligtasan ng mamamayan lalo na sa mga katutubo.

“We say No to Mining in Sibuyan Island as mining will destroy its natural beauty and its biodiversity considering that it is one of the last ecological frontiers of our country. The health and livelihoods of our people, including the indigenous groups, will be put at risk. We cannot allow this to happen,” ayon kay Garcia.

Kabilang ang B-K-S sa mga grupong nangunguna upang itaguyod ang karapatan ng mga taga-Sibuyan laban sa ilegal na pagmimina, at nagsasagawa ng mga programa bawat buwan upang bigyang-pansin ng pamahalaan ang nangyayaring pinsala sa Sibuyan Island.

Nananatili naman ang paninindigan ng Diocese of Romblon upang tutulan ang mapaminsalang pagmimina sa Sibuyan Island, at nangakong patuloy na isasabuhay at isusulong ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilkha ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 201,180 total reads

 201,180 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 228,784 total reads

 228,784 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 262,905 total reads

 262,905 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 319,309 total reads

 319,309 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,879 total reads

 183,879 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top