Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

De La Salle University, nakikiisa sa deklarasyon ng climate emergency

SHARE THE TRUTH

 1,558 total views

Inihayag ng De La Salle University – Dasmariñas ang pakikiisa para sa pagdedeklara ng climate emergency sa bansa.

Ayon kay DLSU-D president, De La Salle Brother Francisco “Sockie” dela Rosa VI, nangangako ang pamantasan na wastong ipapatupad at isasabuhay ang mga programa bilang pakikiisa sa panawagang pigilan ang krisis sa klima tulad ng patuloy na pag-init ng daigdig.

“As a university that truly believes in and practices the protection of our environment, the entire DLSU-D community is committed to taking actions that contribute to the deceleration of global warming and reduce greenhouse gas emissions,” bahagi ng pahayag ni dela Rosa.

Kabilang na rito ang paglikha ng mga hakbang upang maisalin ang mga kasanayan at pagpapahalaga sa kalikasan sa bawat curriculum at pagsusuri ng pamantasan; pagkakaroon ng panuntunan sa wastong paggamit ng enerhiya, tubig, at iba pa; at pagsunod sa anumang batas na nangangalaga sa kalikasan.

Inihayag ni dela Rosa ang pagsasagawa ng mga pagsasanay at pagbabahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral, kawani, alumni, at mga magulang ng institusyon; at pagpapatupad ng mga patakaran na titiyak sa pagiging sustainable, eco-friendly, at carbon neutral ng pamantasan.

“Together let us continue to champion the cause of environmental protection and pave the way for a brigther and greener future, not only for Lasallians but for the entire future generations,” saad ni dela Rosa.

Maliban sa DLSU-D, kabilang din ang Miriam College sa mga naninindigan para sa pagdedeklara ng climate emergency sa bansa.

Una nang hinamon ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang mga kinauukulan na pagtuunan ang mga pinsala at krisis sa kapaligiran na nakakaapekto na sa mga pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,626 total views

 27,626 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,726 total views

 35,726 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,693 total views

 53,693 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,738 total views

 82,738 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,315 total views

 103,315 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,028 total views

 9,028 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,306 total views

 10,306 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,717 total views

 15,717 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top