Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,659 total views

Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa.

“Sa kalagayan ng agrikultura ngayon sa ating bansa pangmatagalan at komprehensibong [tugon] ang dapat na pinag-uusapan ng pamahalaan kasama dapat ang magsasaka.” pahayag ni Carranza sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Carranza ang pamamahagi ng lupa para sa magsasaka lalo’t ito ang direktang nagbubungkal at nagpapaunlad sa produktibidad ng lupa gayundin ang suportang serbisyo kasama ang paggamit ng teknolohiyang makatutulong sa sektor ng agrikultura.
Dismayado rin ang grupo na kadalasang hindi naipararating sa mga magsasaka ang nararapat na benepisyo kabilang na ang insurance sa tuwing may kalamidad.

Sinabi ni Carranza na dapat paigtingin ng pamahalaan ang paggawa ng hakbang para sa sapat na patubig sa mga lupang sakahan at iginiit na hindi sapat ang cloud seeding sa pagkakaroon ng ulan tuwing tagtuyot.

“Halos normal na ito sa panahon ng climate change mahalaga na komprehensibo ang gawing pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura at isa sa mayor na usapin sa agrikultura ay ang irigasyon.” giit ni Carranza.

Aniya, maraming water system sa bansa tulad ng mga ilog na maaring paunlaring irigasyon para sa mas permanenteng pagkukunan ng tubig sa mga lupang sakahan.

Sa datos ng National Irrigation Administration (NIA) noong 2021 nasa 65 porysento sa mahigit tatlong milyon ektaryang irrigable area sa bansa ang napatayuan ng irigasyon subalit ayon kay Carranza may mga proyektong hindi napakikinabangan dahil sa maling disenyo.

Panawagan ng simbahang katolika sa pamahalaan na bigyang prayoridad ang sektor ng agrikultura na pangunahing magtitiyak sa suplay ng pagkain sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,516 total views

 48,516 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,385 total views

 44,385 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,587 total views

 80,587 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,274 total views

 89,274 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,481 total views

 114,481 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top