Mananampalataya, hinimok ng Diocese of Malolos na dumalo ng face to face sa banal na misa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,028 total views

Ipinawalang bisa ng Diocese of Malolos ang pansamantalang pagpahintulot na hindi magampanan ang obligasyong dumalo sa Banal na Misa tuwing Linggo at Pistang Pangilin.

Sa bisa ng liham sirkular ni Bishop Dennis Villarojo,hinimok nito ang mananampalataya na magsimba ng pisikal sa mga parokya simula June 11, 2023 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo.

“At the conclusion of the pandemic that compelled limited opportunities to worship in person… we are hereby lifting the dispensation given to the faithful from personally participating in the Mass due to civil restrictions imposed on account of the Covid-19 pandemic,” bahagi ng pahayag ni Bishop Villarojo.

Ipinag-utos ng obispo sa mga kura paroko ang pagpapaigting ng katesismo sa mamamayan hinggil sa kahalagahan ng pisikal na pakikiisa sa Banal na Eukaristiya tuwing Linggo.

“Let us ardently encourage the faithful to encounter God through the Church in her communal celebration of the Sacred Mysteries,” ani ng obispo.

Matatandaang Oktubre 2022 nang himukin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na muling dumalo sa mga pagdiriwang at gawaing simbahan sa mga parokya kasunod ng pagluwag ng mga panuntunan sa COVID-19 pandemic.

Binigyang diin ng simbahan na bilang kristiyanong pamayanan ay nararapat na tumanggap ng Banal na Komunyon sa pakikiisa ng Banal na Misa maliban lamang sa mga may karamdamang walang kakayahang magtungo sa mga simbahan.

Kamakailan ay inatasan ng diyosesis sa pamamagitan ng Commission on Social Communications ang mga parokya na limitahan sa dalawa ang livestreaming ng misa tuwing Linggo, isa sa umaga at isa sa hapon, upang mahikayat ang mamamayan na magtungo sa mga simbahan.

Bukod pa rito ang pagbibigay tuon sa content creation na may kinalaman sa mga turo ng simbahan bilang pagpapaigting sa katesismo gamit ang online platform.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,541 total views

 48,541 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,410 total views

 44,410 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,612 total views

 80,612 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,299 total views

 89,299 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,504 total views

 114,504 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top