Tinanggal na manggagawa ng Nestle Wyeth Nutrition, tinanggihan ang alok na separation packages

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,176 total views

Hindi naniniwala ang Wyeth Philippines Progressive Workers Union na pagkalugi ang dahilan sa restructuring ng Wyeth Nutrition plant sa Laguna.

Inilarawan ni Ulysses Capole Vice President ng grupo, na masigla ang kompanya sa kabila ng naranasang pandemya sapagkat tuloy-tuloy ang operasyon.

“Isa lang po nakikita namin jan, magkaroon o madagdagan lang ang kanilang kita; sa katotohanan during pandemic pinapasok po talaga kami, continues ang production,” pahayag ni Capole sa Radio Veritas.

Paglalahad ni Capole na hindi katanggap-tanggap ang hakbang ng multinational company lalo’t katatapos lamang noong Disyembre ang Collective Bargaining Agreement (CBA).

Bagama’t nag-alok ng retrenchment packages ang kompanya hindi makatarungan ang biglaang pagpapahinto sa trabaho na walang abiso.

“Highly skilled po yung mga manggagawa sa Wyeth tapos ganun lang po ang gagawin sa amin parang binabalewala lang po,” ani Capole.

Batay sa pahayag ng kompanya, aabot sa 250-percent ang alok na separation packages sa mga manggagawang nagsilbi ng mahigit sa 20 taon habang ang iba naman ay nasa 150 hanggang 200 percent.

Iginiit ni Capole na bagamat makatatanggap ng bayad ay kaya nitong kitain sa loob ng isang taon ang halagang ini-alok ng kompanya.

May 18, 2023 nang hindi pinapasok sa Canlubang plant ang may 140 manggagawa na kinabibilangan ng 125 rank-and-file at 10 union officers.

Sa inilabas na datos ng Nestle Philippines, umabot sa 164-bilyong piso ang kinita ng kompanya noong 2022 o halos 0.4% year-on-year na paglago.

Sa ensklikal na Laborem Exercens ni St. John Paul II, binigyang diin nitong nararapat bigyang halaga ang pagpapagal ng bawat manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,604 total views

 47,604 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,473 total views

 43,473 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,675 total views

 79,675 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,377 total views

 88,377 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,656 total views

 113,656 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top