Pagpapabuti sa kalusugan ng bawat Filipino, tiniyak ng PHILHEALTH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,032 total reads

Palalakasin at palalawakin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga programang makakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng bawat Pilipino.

Ito ang tiniyak ng PhilHealth sa ginanap na PhilHealth Summit and Konsulta Member Registration 2023 nitong Hunyo 03, 2023.

Ayon kay PhilHealth Corporate Communication Department Senior Manager Rey Baleña, layunin ng summit na paigtingin ang kamalayan ng publiko hinggil sa PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package.

Paliwanag ni Baleña, ito’y pinalawak na primary care services para mapagaan ang pasanin ng bawat Pilipino sa iba’t ibang pangangailangang pangkalusugan.

“Nakasaad sa Universal Health Care Law, tayong lahat ng Pilipino dapat ma-assign sa isang primary care provider of our choice. Kaya sa bahagi ng PhilHealth, tumutulong kami doon. Nag-a-accredit kami ng mga Konsulta providers para talagang ma-obliga na ‘yung mga miyembro na magre-register sa kanila ay maalagaan,” pahayag ni Baleña sa panayam ng Radio Veritas.

Bukod sa primary care services, saklaw din ng Konsulta Package ang laboratory o diagnostic examination, at ilang mga maintenance medicines.

Sinabi ni Baleña na ang lahat ng miyembro ng PhilHealth ay maaaring makakuha ng Konsulta Package sa pamamagitan ng pagre-register sa mga accredited Konsulta facility.

“Kaya tulungan n’yo po kami na maka-accredit pa kami ng maraming qualified na providers. Mas maraming providers, mas magiging accessible ito sa marami,” ayon kay Baleña.

Maliban sa Marikina City, ilan pa sa mga lugar na kasabay na naglunsad ng PhilHealth Konsulta Summit ay ang Bataan; Lucena City, Quezon; Naga City, Camarines Sur; Iloilo City; Mandaue City, Cebu; General Santos City; at Cagayan de Oro City.

Sa huling tala ng PhilHealth, nasa kabuuang bilang na 1,967 ang healthcare facilities sa bansa na accredited bilang Konsulta Providers.

Suportado naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga layunin ng pamahalaan upang higit na maisulong ang Universal Health Care Law na makakatulong sa pagpapabuti ng sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap.(Michael)

UNDAS 2026, generally peaceful

 5,973 total reads

 5,973 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 13,092 total reads

 13,092 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 62,845 total reads

 62,845 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 222,039 total reads

 222,039 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 249,199 total reads

 249,199 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 282,864 total reads

 282,864 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 184,924 total reads

 184,924 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top