SAC Legazpi, tumatanggap ng tulong para sa mga apektado ng bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,578 total reads

Nagpadala ng tulong ang Office of Civil Defense para sa mga apektadong residente dulot ng pagliligalig ng bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa regional offices at lokal na pamahalaan para sa maayos na pamamahagi ng tulong kasabay ng pagbabantay sa kalagayan ng bulkan.

Sa huling tala ng OCD, umabot na sa 9.2 milyong piso ang halaga ng mga naipamahaging tulong tulad ng tarpaulin rolls, N95 face masks, food packs, hygiene kits, at portable water filtration unit sa mga nasa evacuation centers.

“We have reminded our counterparts and the LGUs to implement precautionary measures aggressively to ensure the safety of the residents. We also ask the residents to always follow authorities’ warnings and advisories.” bahagi ng pahayag ni Nepomuceno.

Nagpadala na rin ng water filtration truck ang ahensya at inaasahang maglalaan ng 3,200 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P4 million para sa mga apektadong pamayanan.

Natanggap na rin ng Albay Provincial Government ang 55 toneladang humanitarian aid mula sa pamahalaan ng United Arab Emirates, sa pamamagitan ng Office of the President, Department of the Interior and Local Government, at Department of Social Welfare and Development.

Samantala, tumatanggap na rin ng tulong at donasyon ang Legazpi Diocesan Social Action Commission na maaaring ipadala sa mga parokyang saklaw ng diyosesis o sa tanggapan ng SAC Legazpi sa Albay Cathedral Compound, Legazpi City.

Sa mga nais namang magbigay ng cash donations, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng BPI Account na Social Action Center-SPM sa Account number na 0851-0067-37.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nananatili pa rin sa Alert level 3 ang bulkang Mayon na nakapagtala ng pitong volcanic earthquakes, 309 rockfall events, at pitong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) na tumagal ng apat na minuto, sa nakalipas na 24-oras.

Patuloy ding binabantayan ang mabagal na pag-agos ng lava mula sa crater ng bulkan na tinatayang aabot sa humigit-kumulang isang kilometro sa Mi-isi at Bonga Gullies.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 191,169 total reads

 191,169 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 219,536 total reads

 219,536 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 253,658 total reads

 253,658 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 310,062 total reads

 310,062 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,420 total reads

 183,420 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top