Bayanihan para sa mga biktima ng bulkang Mayon, pinuri ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,578 total views

Nagpapasalamat ang dating pinuno ng Diocese of Legazpi Social Action Center sa patuloy na pagmamalasakit sa mga biktima ng pagliligalig ng Bulkang Mayon.

Ayon kay dating SAC Legazpi executive director Fr. Rex Paul Arjona, hindi maikakaila ang pinagdaraanang pagsubok ng mga apektadong residente na sapilitang pinalikas dahil sa banta ng bulkan.

Gayundin ang sakripisyo ng mga kawani ng simbahan lalo na ang SAC Legazpi na nagsisikap upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasa evacuation centers.

“Bagama’t ‘di biro ang hirap ng mga residenteng apektado sa mga evacuation centers, at ang pagod ng ating SAC Legazpi staff, Parish Disaster Response Committees, at maraming volunteers, pero napapagaan ang sitwasyon dahil ramdam namin ang pakikiisa at tulong ng marami nating mga kapatid.” pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na malaki ang kaginhawaang naidudulot ng pagbabayanihan kung saan nagsisikap ang lahat, lalo na ang mga hindi apektado ng Bulkang Mayon upang mabawasan ang pasanin ng mga apektadong pamilya.

Katulad nito ang nasa 50 toneladang humanitarian aid mula sa United Arab Emirates at ipinamahagi sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayundin ang apela ni Legazpi Bishop Joel Baylon sa mga parokyang saklaw ng diyosesis na ipamahagi ang ‘Tinagba offerings” bilang karagdagang tulong sa mga nagsilikas na pamilya.

“Dama mo ang pagmamalasakit mula sa mga lokal na komunidad na ‘di gaano apektado ng bulkan, hanggang sa mga donors sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa international.” ayon kay Fr. Arjona.

Batay sa Phivolcs, maaaring tumagal pa ng ilang linggo o buwan ang aktibidad ng Bulkang Mayon na nananatili pa rin sa Alert Level 3 status.
Nakasaad naman sa huling DSWD-DROMIC o Disaster Response Operations Monitoring and Information Center na nasa higit 10-libong pamilya o halos 40-libong indibidwal mula sa 26 barangay ang apektado ng pagliligalig ng Bulkang Mayon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 6,417 total views

 6,417 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 34,422 total views

 34,422 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,222 total views

 52,222 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 51,962 total views

 51,962 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,165 total views

 164,165 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 9,388 total views

 9,388 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top