Alay Kapwa Solidarity fund, gagamiting humanitarian response sa Mayon evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,898 total views

Nakaantabay ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagtulong sa Social Action Center ng Diocese of Legazpi kaugnay sa Bulkang Mayon.

Ayon sa situation report ng Caritas Philippines, nakahanda na ang humanitarian team para sa karagdagang tulong bilang tugon para sa Mayon 2023 Emergency Response operations ng SAC Legazpi.

“Caritas Philippines’ Humanitarian Team is on standby for possible deployment to augment the needs of the local Caritas. The Alay Kapwa Solidarity Fund is also prepared to be utilized in any eventually the DSAC will need help augmenting local resources.” ayon sa ulat ng Caritas Philippines.

Nakikipag-ugnayan na rin ang social arm ng simbahan sa iba’t ibang ahensya at organisasyon upang makapangalap ng donasyon para sa mga apektadong pamilya na kasalukuyang nasa evacuation centers.

Kabilang sa mga ito ang Philippine Faith-Based Forum (FBO-PH), Caritas Internationalis member organizations – Catholic Relief Services, Caritas Germany, at Embassy of Israel in the Philippines.

Sa kasalukuyan, inihayag ng SAC Legazpi na higit na kailangan ng mga nagsilikas na pamilya ang mga non-food items tulad ng sleeping mats, cooking utensils, water jugs, at hygiene kits.

Gayundin ang karagdagang palikuran at suplay ng tubig na magagamit para sa paliligo, paghuhugas, at paglalaba ng mga nasa evacuation center.

Sa huling ulat ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), higit 4,000 pamilya o 15-libong indibidwal mula sa 23 barangay na saklaw ng 13 parokya ang kasalukuyang nasa 24 evacuation centers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,389 total views

 63,389 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,258 total views

 59,258 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,460 total views

 95,460 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,603 total views

 103,603 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,646 total views

 127,646 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top