Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, bibisitahin ang Mayon evacuees

SHARE THE TRUTH

 1,637 total views

Magtutungo ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Albay upang bisitahin ang kalagayan ng mga apektadong residente dulot ng banta ng pagsabog ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito’y upang matukoy ang pangangailangan ng mga nagsilikas na pamilyang tinutulungan ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi.

“Sa ngayon, ang Caritas Philippines ay nakafocus muna mostly sa relief and rehabilitation para sa mga evacuees.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak naman ni Caritas Philippines executive director Fr. Antonio Labiao, Jr. na nakahanda ang humanitarian team sakaling kailanganin na ng SAC Legazpi ang karagdagang tulong para sa mga apektadong pamilya.

Sinabi ni Fr. Labiao na batay sa kanilang naging pag-uusap ni SAC Legazpi executive director Fr. Eric Martillano, kaya pa ng diyosesis na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nagsilikas.

“Sabi nga nila, kaya pa nila. So, kami naman ay dahan dahang tumutulong. Whatever they ask us, we are always prepared. So, we are also helping to capacitate our local Caritas in Legazpi to respond to the emergencies,” pahayag ni Fr. Labiao.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Bagaforo ang patuloy na paggabay ng Panginoon para sa tiyak na kaligtasan ng mga biktima mula sa pinangangambahang pagsabog ng Bulkang Mayon.

Dalangin ng Obispo na sa kabila ng mga pagsubok, nawa’y madama ng mga apektadong residente ang presensya ng Panginoon upang maging matatag at hindi mawalan ng pag-asa.

“Panginoong Hesus na tagapagligtas at makapangyarihang tagapamagitan sa ating makapangyarihang Ama, ipinagdarasal po namin ang aming mga kababayang nasa evacuation centers. Nawa’y yakapin Mo sila ng pagmamahal. Bigyan Mo sila ng magandang kalusugan ngayong sila ay nasa evacuation centers, at higit sa lahat, buksan Mo ang kanilang mga puso na huwag silang mawalan nang pag-asa sa mga sakunang katulad nito na dumarating sa kanilang mga buhay. Sana ito’y isang pagkakataon na sila’y mapalapit pa sa Iyong pagmamahal, at sana ang mga pagkakataong ito, Panginoong Hesus ay maipamalas Mo ang tunay na pagmamahal Mo sa aming lahat. Ang lahat ng ito ay aming hinihingi sa inspirasyon ng Espiritu Santo, nabubuhay Kayo magpakailanman. Amen.” panalangin ni Bishop Bagaforo.

Sa huling ulat ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, nasa 19,971 indibidwal o 5,713 pamilya ang bilang ng mga inilikas mula sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone at nanunuluyan sa 25 evacuation centers sa Albay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,150 total views

 15,150 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,818 total views

 23,818 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,998 total views

 31,998 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,001 total views

 28,001 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,052 total views

 40,052 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,323 total views

 9,323 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,599 total views

 10,599 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,011 total views

 16,011 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top