Bishop Pabillo, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,342 total views

Umapela ng tulong ang Apostolic Vicariate of Taytay Palawan para sa pagtatapos ng pagtatayo ng St. Joseph the Worker Cathedral.

Sa liham ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ibinahagi nitong bilang bikaryato ito ay isang mission territory at hindi pa ganap na diyosesis.

Buong pusong ipinagkatiwala ng obispo sa Panginoon ang paglingap ng mananampalataya sa panawagan ng simbahan ng Taytay Palawan para sa mas maayos na bahay dalanginan na sa taya ng architects at engineers na nangasiwa sa pagpapatayo ay kinakailangan pa ang 90 milyong piso.

“We humbly appeal your generosity to be one of our benefactors in building the house of God in Taytay,” bahagi ng liham ni Bishop Pabillo.

2002 nang maitatag ang Bikaryato ng Taytay nang hatiin sa dalawan ang Apostolic Vicariate of Palawan; ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na nangasiwa sa Central at Southern Palawan habang Northern Palawan naman ang sakop ng Apostolic Vicariate of Taytay.

Taong 2009 nang makakuha ng lupa ang bikaryato para pagtayuan ng cathedral sa pangunguna ni Bishop Emeritus Edgardo Juanich subalit dahil sa limitadong resources ng bikaryato hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling under construction ang cathedral.

Dahil sa COVID-19 pandemic at pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 nahinto ang construction ng cathedral gayundin ang fund raising efforts upang tugunan pangangailangan ng nasasakupang kawan.

“We prioritized addressing the needs of the people. We built houses and reconstructed chapels that were blown away with the money we received,” saad ni Bishop Pabillo.

Sa mga nais maging bahagi ng proyekto makipag-ugnayan sa Chancery office ng bikaryato at sa tanggapan ni Bishop Pabillo sa numerong 0921-754-5457 at 0915-936-9752 upang makaiwas sa mga mapansamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan sa fradaulent activities.
Maari ring magdeposito sa mga sumusunod na bank accounts na may account name na Vicar Apostolic of the Vicariate of Taytay, Inc sa BPI 008873 0626 07; Landbank 3631 0154 32; Metrobank 007 706 00251 7; BDO 011950154805.

Gayundin sa electronic wallets na nakapangalan kay Bishop Pabillo sa Gcash at Palawan Pay 0977 409 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 81,435 total views

 81,435 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 95,012 total views

 95,012 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 123,576 total views

 123,576 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 171,332 total views

 171,332 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 160,711 total views

 160,711 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top