Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Benefit concert para sa Talibon Cathedral rehabilitation ilulunsad

SHARE THE TRUTH

 2,042 total views

Magsasagawa ng benefit concert ang Diocese of Talibon sa lalawigan ng Bohol para sa pagsasaayos ng Most Holy Trinity Cathedral na labis napinsala ng bagyong Odette noong 2021.

Ang ‘Bangon Simbahang Talibongnon’ ay inisyatibo ng United Servants for Welfare Advancement and Growth (USWAG) Talibon, Inc. katuwang ang Jesuit Music Ministry (JMM) ng Jesuit Communication; Diocese of Talibon, at Limang Siglo.

Tiniyak ng JesCom ang suporta sa pagsasaayos ng simbahan lalo’t isa ang mga Heswita sa nagpapalagap ng kristiyanismo sa lugar nang magmisyon si Jesuit Priest Fr. Juan de Torres noong 1596.

“The legacy of Talibon’s Catholic heritage is not lost on JesCom, which has taken an active role in supporting the cathedral’s restoration by assisting in the staging of the benefit concert meant as a beacon of hope to rally support for the rebuilding efforts,” ayon sa pahayag ng Jesuit Communications.

Sa pagmimisyon ni Fr. Torres sa Talibon pinaigting ito ang pagpalaganap ng pananampalataya at ibinahagi mga turo ng simbahan ayon sa karisma ng mga Heswita na naging daan sa pagkatatag ng Most Holy Trinity Cathedral Church noong 1729.

Itinakda sa July 15, 2023 ang benefit concert sa alas siyete ng gabi na gaganapin sa President Carlos P. Garcia Multi-purpose Center.

Ilan sa mga magatatanghal ang Jesuit Music Ministry kabilang sina Jay Gomez, Toto Sorioso, Rey Malipot, and Michelle Ching-Dungo, kasama si John Basil Dungo ng Bukas Palad Music Ministry, JesCom Associate Director Fr. Ro Atilano, SJ.

Gayundin ang Catholic Comedian Romar Chuca, world-renowned Loboc Children’s Choir, mga local artist ng Talibon at Jeduthun Singing Priests ng Bohol.

Umapela ang JesCom sa mamamayan na suportahan ang konsyerto sa kapakinabangan ng mananampalata sa pagsasaayos ng katedral.

Ang ticket ay nagkakahalaga ng 200 piso hanggang limanlibong piso at maaring makipag-ugnayan kay Jennifer Pojas sa 0917-7061771 o kay Restilou Artiaga sa 0939-1989371.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,063 total views

 6,063 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,163 total views

 14,163 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,130 total views

 32,130 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,489 total views

 61,489 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,066 total views

 82,066 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,131 total views

 3,131 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,741 total views

 8,741 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 13,896 total views

 13,896 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top