Toxic chemical sa school supplies, ibinabala ng BAN Toxics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,980 total views

Binalaan ng BAN Toxics ang mga magulang sa pagbili ng school supplies na may sangkap na nakalalasong kemikal na lubhang mapanganib para sa mga bata.

Ayon kay Thony Dizon, toxics campaigner ng grupo, ang lead ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga kabataan lalo na sa pag-uugali.

Ang babala ay kasunod ng isinagawang pagsusuri ng grupo sa mga ibinebentang school supplies sa Divisoria, Maynila kaugnay sa muling pagbubukas ng klase ngayong buwan.

“Our investigation proves the continued presence of toxic chemicals in children’s products. We advise parents to take necessary precautions when buying school supplies,” pahayag ni Dizon.

Kabilang sa mga gamit na nagpositibo sa toxic lead ay ang kiddie water container na mayroong sangkap na 24,500 parts per million ng lead.

Bukod pa rito ang kiddie backpacks, crayons, pastel colors, pencils, at pencil cases na pawang nagpositibo rin sa mapanganib na kemikal.

Hinimok naman ng BAN Toxics ang pamahalaan na magtalaga ng ‘Consumer Action Centers’ sa mga pampublikong pamilihan at malls upang higit na mapaigting ang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamimili laban sa mga mapanganib na kemikal sa mga produktong pambata.

“We will continue to raise public awareness on toxic chemicals in children’s products as part of our campaign for Toxic-Free and Waste-Free Schools. The protection of our children from toxic harm is their basic right,” giit ng grupo.

Nakasaad sa Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds ng Department of Environment and Natural Resources ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng anumang mapanganib na kemikal lalo na sa mga kagamitang pampaaralan para na rin sa kaligtasan ng mga kabataan.

Nakasaad naman sa Catholic Social Teaching na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at pinsala sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,473 total views

 21,473 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,487 total views

 71,487 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 67,356 total views

 67,356 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 103,243 total views

 103,243 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,721 total views

 110,721 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top