Mamamayang Pilipino, hinamong magsimula ng pagbabago sa BSKE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,801 total views

Hinamon ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na makibahagi sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairman, Taytay Bishop Broderick Pabillo ito ang wastong pagkakataon na palaganapin ang pagbabago ng lipunan sa pagpili ng mga wastong lider na mangangasiwa sa pamayanan.

“Sa darating na eleksyon, may pagkakataon tayong baguhin ang pamamahala, mula sa barangay. Gamitin natin ang pagkakataong ito na umpisahan ang tunay na pagbabago mula sa barangay.” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Pabillo.

Sinabi ng opisyal na nararamdaman ang pagkilos ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sapagkat ito ang unang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na tuwing may kalamidad.

Ayon kay Bishop Pabillo makapipili lamang ang mamamayan ng mabubuting lider na handang maglingkod sa kapakanan ng taumbayan kung may mabubuting kandidatong may magandang hangarin sa bayan.

“Ang paglilingkod sa bayan ay isang tawag ng Diyos. Ang mga taong may mabuting kalooban at mga taong matuwid ay hinihikayat kong tumakbo upang maglingkod sa barangay at sa SK. Tumakbo ang may magagandang hangarin na maglingkod sa bayan. Ang paglilingkod sa kapwa ay tanda ng pag-ibig sa Diyos.” giit ni Bishop Pabillo.

Batay sa Commission on Elections calendar of activities magsisimula ang election period sa August 28 kung saan maaring maghain ng Certificate of Candidacy ang sinumang nagnanais tumakbo sa BSKE sa October 30.

Umaasa si Bishop Pabillo na mananatiling non-partisan ang halalang pambarangay at kabataan upang iiral ang tunay na mithiing maglingkod sa interes ng bawat nasasakupan gayundin matiyak ang pananatiling malaya ng bawat barangay mula sa mga matataas na politiko sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 20,328 total views

 20,328 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 70,342 total views

 70,342 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 66,211 total views

 66,211 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 102,134 total views

 102,134 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 109,702 total views

 109,702 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top