Toxic chemical sa school supplies, ibinabala ng BAN Toxics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,150 total reads

Binalaan ng BAN Toxics ang mga magulang sa pagbili ng school supplies na may sangkap na nakalalasong kemikal na lubhang mapanganib para sa mga bata.

Ayon kay Thony Dizon, toxics campaigner ng grupo, ang lead ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga kabataan lalo na sa pag-uugali.

Ang babala ay kasunod ng isinagawang pagsusuri ng grupo sa mga ibinebentang school supplies sa Divisoria, Maynila kaugnay sa muling pagbubukas ng klase ngayong buwan.

“Our investigation proves the continued presence of toxic chemicals in children’s products. We advise parents to take necessary precautions when buying school supplies,” pahayag ni Dizon.

Kabilang sa mga gamit na nagpositibo sa toxic lead ay ang kiddie water container na mayroong sangkap na 24,500 parts per million ng lead.

Bukod pa rito ang kiddie backpacks, crayons, pastel colors, pencils, at pencil cases na pawang nagpositibo rin sa mapanganib na kemikal.

Hinimok naman ng BAN Toxics ang pamahalaan na magtalaga ng ‘Consumer Action Centers’ sa mga pampublikong pamilihan at malls upang higit na mapaigting ang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamimili laban sa mga mapanganib na kemikal sa mga produktong pambata.

“We will continue to raise public awareness on toxic chemicals in children’s products as part of our campaign for Toxic-Free and Waste-Free Schools. The protection of our children from toxic harm is their basic right,” giit ng grupo.

Nakasaad sa Chemical Control Order for Lead and Lead Compounds ng Department of Environment and Natural Resources ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng anumang mapanganib na kemikal lalo na sa mga kagamitang pampaaralan para na rin sa kaligtasan ng mga kabataan.

Nakasaad naman sa Catholic Social Teaching na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at pinsala sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 177,564 total reads

 177,564 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 206,810 total reads

 206,810 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 240,935 total reads

 240,935 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 297,339 total reads

 297,339 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 182,979 total reads

 182,979 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top