Pagpapatigil sa lahat ng reclamation projects sa bansa, hamon ng Caritas Philippines kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,219 total reads

Dismayado ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa paraan ng pagtugon ng pamahalaan sa reclamation projects sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakalulungkot na sa halip na pamahalaan ng Pilipinas ay ang Estados Unidos pa ang unang kumilos upang bigyang-pansin at mapahinto ang reklamasyon sa Manila Bay.

“The suspension of 22 reclamation projects is a welcome development. However, we are disappointed that this decision was not made by our government on its own initiative, but rather as a result of pressure from the United States,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Unang nagpahayag ng pagkabahala ang Estados Unidos hinggil sa pinsala mula sa pagtatambak ng lupa sa Manila Bay dahil sa kaugnayan ng China Communications Construction Company na naka-blacklist sa U.S. Department of Commerce na mayroong ambag sa binubuong military bases at artificial island sa mga isla sa West Philippine Sea.

Panawagan naman ni Bishop Bagaforo kay Pangulong Bongbong Marcos na ipag-utos ang tuluyang pagpapahinto sa lahat ng reclamation project, hindi lamang sa Manila Bay kun’di sa buong bansa.

Iginiit ng obispo na hindi maituturing na pag-unlad ang reklamasyon dahil lalo lamang itong pumipinsala sa kalikasan, ekonomiya, at buhay ng mamamayan.

Halimbawa nito ang kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda at iba pang mga naninirahan sa dalampasigan, pagkasira ng coastal ecosystem, at kawalang katiyakan sa mapagkukunan ng pagkain.

“We need to invest in sustainable development that will benefit all Filipinos, not just a few wealthy individuals,” giit ni Bishop Bagaforo.

Tiniyak naman ng Caritas Philippines ang patuloy na pagsuporta sa lahat ng layunin at panawagan ng iba’t ibang organisasyon upang tuluyang mahinto ang mapaminsalang reklamasyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 177,391 total reads

 177,391 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 206,638 total reads

 206,638 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 240,763 total reads

 240,763 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 297,167 total reads

 297,167 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 182,970 total reads

 182,970 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top