Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aktibong pakikibahagi ng kabataan sa BSKE, inaasahan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

 3,004 total views

Umaasa ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maging aktibo ang mga kabataan sa pakikibahagi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PPCRV Chairman Evelyn Singson, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa nakatakdang halalang pambarangay lalo na sa paghahalal ng karapat-dapat na mga opisyal na mamumuno at mangangasiwa ng kaayusan at kapakanan ng pamayanan.

“Ang hope ko talaga dahil Kabataang Barangay ito, lahat ng mga bata ay maging active na magregister at bumoto dahil ang boto nila ang magde-determine kung anong klaseng pamamahala yung binoto na ibibigay sa kanila, kaya bumuto sila ng tama para yung serbisyo ng barangay captain sa kanila ay talagang magreredown to their benefit.” Ang bahagi ng pahayag ni PPCRV Chairman Evelyn Singson sa Radio Veritas.

Tiwala naman si Singson sa patuloy na suporta at aktibong partisipasyon ng mga volunteer ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa upang mabantayan ang kabuuang proseso ng nakatakdang halalang pambarangay.

Paliwanag ng Singson, higit pa sa anumang halaga ay mas makabuluhan ang pagbabantay ng katapatan at kaayusan ng halalan para sa kinabukasan ng bayan.

“Lahat naman tayo dapat maging active, ito yung kinabukasan natin although sa PPCRV nagpapasalamat ako, talagang very dedicated, very altruistic lahat tayo, nagsisilbi wala naman tayong mapapala pero alam natin ang mapapala natin hindi financial pero makakabuti sa kabuhayan natin.” Dagdag pa ni Singson.

Ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang kauna-unahang halalan na pangangasiwaan ni Singson mula ng maitalaga bilang bagong chairman ng PPCRV noong Agosto ng nakalipas ng taong 2022.

Batay sa Calendar of Activities ng Commission on Elections (COMELEC) magsisimula ang election period para sa halalang pambarangay sa August 28, 2023 kung saan maari ng maghain ng Certificate of Candidacy ang sinumang nagnanais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30, 2023

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 29,090 total views

 29,090 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,190 total views

 37,190 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,157 total views

 55,157 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,188 total views

 84,188 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,765 total views

 104,765 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,430 total views

 1,430 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,249 total views

 2,249 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,652 total views

 7,652 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top