Patnubay ng Blessed Virgin Mary Mediatrix of All Graces, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,381 total reads

Hinikayat ni Digos Bishop Guillermo Afable ang nasasakupang mananampalataya na patuloy magbulod sa paglalakbay bilang isang kawan ng Panginoon.Ito ang mensahe ng obispo sa ika – 72 anibersaryong pagkatatag sa Blessed Virgin Mary Mediatrix of all Graces Parish kung saan sinabi nitong hilingin ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria sa patuloy na pagmimisyon sa lugar.Kinilala ng obispo ang tungkuling ginagampanan ng Birheng Maria sa patuloy na paglago ng diyosesis bilang pamayanang kristiyanong nagbubuklod kay Kristo.“Mga kaigsoonan magpadayon kitang masaligon nga modangop sa atong mahal nga Patron alang sa atong mga kaugalingong pahanungdan, ug usab alang sa pahanungdan sa atong kristohanong katilingban, alang sa atong dakbayan, lalawigan ug alang sa tibuok nasud. Sa ingon, mapahiuyon ang atong panaw sa kinabuhi subay sa kabubut-on sa Dios nga Amahan, alang sa kaluwasan sa tanan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Afable.
[Mga kapatid patuloy tayong magtiwala sa pamamatnubay ng ating patron para sa ating mga pansariling kahilingan, gayundin sa intensyon ng kristiyanong pamayanan, sa ating lungsod, lalawigan at sa buong bansa. Sa gayon naaayon ang ating paglalakbay sa kalooban ng Diyos Ama, sa kaligtasan ng bawat isa.]
August 22, 1951 nang itatag ni Archbishop Clovis Joseph Thibauld (Thibault), P.M.E ang parokya noong ito ang obispo ng Archdiocese of Davao.
Tiniyak ni Bishop Afable na ipagpatuloy ang nasimulan ng arsobispo pitong dekada ang nakalilipas sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.
Tinuran din ng obispo ang ika – 72 taon nang pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit na idineklara ni Pope Pius XII na isang maganda at makabuluhang pagdiriwang para sa parokya dahil ito rin ay oktaba sa Pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen.
Nagpasalamat si Bishop Afable na nanatiling yumabong ang biyaya ng pananampalataya sa kristiyanong pamayanan sa lugar makalipas ang pitong dekada.
“Sulod sa 72 na ka tuig, ang kabilin nga debosyon nato kang Mary Mediatrix nagpabiling buhi ug mabungahon sa duha na ka henerasyon sa mga magtotoo dinhi sa Digos. Mapasalamaton kaayo kita niining kabulahanan sa atomg kinabuhi, diin nagkauban kitang nagapanaw ning kalibutan, uban sa atong Inahan ug Rayna sa langit, kinsa kanunay andam magpataliwala kanato ngadto sa iyang Anak nga si Jesus,” ani ng obispo.
[Sa loob ng 72 taon, ang pamanang debosyon kay Mary Mediatrix nanatiling buhay at lumago sa dalawang henerasyon ng mananampalataya dito sa Digos. Magpapasalamat tayo sa biyaya ng ating buhay, kung saan magkakasama tayong naglalakbay dito sa mundo kasama ang Mahal na Ina na Reyna ng langit na laging nakahandang mamagitan tungo sa kanyang Anak na si Hesus.]
Ang parokya ay kabilang sa 21 parokya ng Diocese of Digos na pinangasiwaan ni Bishop Afable mula 2003 kasunod ni Bishop Generoso Camina, PME na nangasiwa mula nang maitatag ang diyosesis noong November 5, 1979.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 176,487 total reads

 176,487 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 205,780 total reads

 205,780 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 239,905 total reads

 239,905 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 296,309 total reads

 296,309 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top