Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Season of Creation 2023: Maging Tanglaw ng Pag-asa sa pangangalaga ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,503 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na higit pang palalimin ang pagmamahal at paggalang sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa sangnilikha.

Sa liham-sirkular para sa ika-11 taong pakikibahagi at pagdiriwang ng Season of Creation sa Arkidiyosesis ng Maynila, hinikayat ni Cardinal Advincula ang bawat isa na maging tanglaw ng pag-asa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at katarungang panlipunan.

Iniugnay ng kardinal ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan sa Traslacion Roadmap na inisyatibo ng Arkidiyosesis upang maging gabay sa sama-samang paglalakbay sa arkidiyosesis sa susunod na limang taon mula 2023 hanggang 2028.

“I enjoin everyone to be a beacon of hope in the promotion of environmental care, efficient disaster response, and just social transformation (e.g. human rights, etc.). Let us make this strategic object of our Traslacion Roadmap a reality by planning and designing programs on formation that lead to ecological conversion.” bahagi ng liham ni Cardinal Advincula.

Hiling naman ni Cardinal Advincula sa mga mananampalataya na palalimin ang pag-unawa sa pagpapahayag ng pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos na lumikha ng sanlibutan, at tupdin ito sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay, paglilingkod, at pagpapalago sa ekolohikal na espiritwalidad.

Gayundin ang pakikisangkot sa pagsusulong ng ensiklikal ng Santo Papa Francisco na Laudato Si’ para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“Take an active role in the promotion and witnessing to the encyclical Laudato Si following the commitment of the CBCP: “We are committed to advance the teachings of the Laudato Si and be bearers of hope in the face of an ecological crisis, following our Lord Jesus, our redeemer. As such, we commit to “integrate the care of creation as our common home in our teaching and practice of Christian discipleship” through concrete ecological actions in caring for our Common Home.” pahayag ng Arsobispo ng Maynila.

Inihayag din ng kardinal ang pag-alis sa pamumuhunan sa mga mapaminsalang industriya bilang tugon sa Laudato Si’ at iba pang katuruang panlipunan ng simbahan.

Nangako naman ang arkidiyosesis na patuloy na susuportahan ang lahat ng inisyatibo na mangangalaga, pagpapanatili, pagpapayabong, at paggalang sa sangnilikha ng Diyos.

“Through the Archdiocesan Ministry on Ecology, we commit to respond to the goals of Laudato Si specifically to hear the cry of the poor and the cry of the earth. Reduce the impacts of climate change, promote food safety and security to address hunger, and ensure the protection of the rights to safe and healthy ecology by mobilizing various institutions to become part of the Laudato Si Action Platform to achieve Integral Ecology.” giit ni Cardinal Advincula.

Tema ng Season of Creation 2023 ang Let Justice and Peace Flow na hango sa mga kataga ni Propeta Amos, upang bigyang-pansin ang hinaing ng kalikasan na malayang makamtan ang katarungan at kapayapaan sa kabila ng mga pinsalang tinamo dahil sa labis na pang-aabuso ng mga tao sa mga likas na yaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 4,959 total views

 4,959 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Andaming sumasawsaw

 109,212 total views

 109,212 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 154,785 total views

 154,785 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 156,559 total views

 156,559 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Mangalinao, kinasuhan

 98 total views

 98 total views Kinasuhan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, kasama ang iba pang environmental advocates dahil sa mariing pagtutol sa isinasagawang exploration activities ng North

Read More »
Scroll to Top