Cardinal Advincula sa National Catechetical Month: “Parents are the first catechists of their children”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,444 total views

Hinikayat ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na paigtingin ang pagbabahagi sa turo ng simbahan lalo na sa kasalukuyang henerasyon.

Hinimok din ng cardinal ang mga magulang bilang may malaking tungkulin na ipalaganap ang katesismo lalo’t sila ang kauna-unahang tagapagturo sa mga kabataan.

Sa pagdiriwang ng 400 Years of Christianity ng Palawan noong August 25, binigyang diin ni Cardinal Advincula ang tungkulin ng bawat binyagan sa pakikibahagi sa misyon ni Kristo.

“Parents are the first catechists of their children. You are the first missionaries at home. You are the first to introduce God to your childre.” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Napapanahon din ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng simbahan sa National Catechetical Month ngayong Setyembre sa temang ‘Revitalizing the gifts of being, becoming, and belonging to the Ministry of Catechists’ kung saan binibigyang pagkilala ang mga katekistang katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa mga paaralan at pamayanan.

Naniniwala si Cardinal Advincula na ang paghubog sa pananampalataya ng mga kabataan ay nagsisimula sa bawat tahanan kaya’t mahalagang maipakilala sa bawat bata si Hesus kasama ang katuruan ng simbahan.

Nananawagan din ang opisyal sa mga layko na maging aktibong katekista sa mga parokya at gampanan ang tungkuling misyonero na nagbabahagi ng Mabuting Balita sa lipunan.

Pinamumunuan ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagdiriwang ng catechetical month bilang paggunita na rin kay San Lorenzo Ruiz ang pintakasi ng mga katekista at unang Pilipinong santo na pinaslang dahil sa paninindigan at pagbabahagi ng pananampalataya sa lipunan.
Ayon sa nakalap na datos ng National Catechetical Studies may humigit kumulang sa 50-libo lamang ang mga katekista sa Pilipinas na katuwang sa pagtuturo sa 80-milyong katoliko sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 1,404 total views

 1,404 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 29,968 total views

 29,968 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 79,982 total views

 79,982 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 75,809 total views

 75,809 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 111,326 total views

 111,326 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top