Nagbitiw na undersecretary ng DOF, pinuri ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,698 total views

Nagpahayag ng suporta ang Alyansa Tigil Mina kay Finance Undersecretary Cielo Magno para sa kanyang matatag na paninindigan hinggil sa mga patakaran sa pananalapi ng bansa.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ang pagbibitiw ni Magno bilang opisyal ng Department of Finance ay inaasahan na rin dahil sa kanyang paninindigan para sa pagkakaroon ng malinaw at maayos na pamamahala.

Kabilang na rito ang pagsusulong na taasan ang buwis sa industriya ng pagmimina na taliwas sa mga layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Her advocacy for increased taxes on mining corporations was clearly inconsistent with the agenda of House Speaker Martin Romualdez and contributed to her unpopularity inside the government.” pahayag ni Garganera.

Ayon sa mga naunang ulat, sapilitang nagbitiw si Magno dahil sa kanyang hindi pagsang-ayon sa mandato ng administrasyon hinggil sa price ceiling sa bigas.

Samantala, hindi naman sang-ayon ang ATM sa pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sinisiraan ni Magno ang pamahalaan, bagkus, ginagampanan lamang ng opisyal ang kanyang tungkulin bilang mabuting lingkod-bayan.

“We stand with Prof. Magno and wish her well in her endeavors as she continues to create change and make an impact working with various groups and individuals.  We thank her for her unadulterated service to the nation,” ayon sa grupo.

Ipagpapatuloy naman ni Magno ang kanyang pagiging associate professor sa University of the Philippines School of Economics pagkatapos ng kanyang panunungkulan sa pamahalaan.

Nakasaad sa Evangelii Gaudium ni Pope Francis ang kanyang panalangin na madagdagan pa ang mga pulitiko na tapat sa kanilang mga tungkulin at nakahandang tumugon para sa kabutihan ng mamamayan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,902 total views

 25,902 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,916 total views

 75,916 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,785 total views

 71,785 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,498 total views

 107,498 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,630 total views

 114,630 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top