Katekista, binigyang pagkilala ng obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,457 total views

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mahalagang tungkulin ng mga katekista sa simbahan.

Sa pagtitipon ng mga katekista ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa paggunita ng National Catechetical Month binigyang diin ni Bishop Santos na kabilang sa frontliner ng simbahan sa pagmimisyon ang mga katekista na naghuhubog sa pananampalataya lalo na sa kabataan.

“Sa inyong pagtuturo, ipinakilala ninyo ang Diyos, ipinakikita ninyo ang aral ng simbahan, ibinibigay niyo ang kakayahang mabatid, malaman at matutuhan ang tungkol sa ating pananampalataya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Santos.

Pinuri ng obispo ang mga katekista ng diyosesis na naglingkod ng apat na dekada kasabay ng pagkatatag ng Diocese of Antipolo na katuwang sa pagbuo ng pamayanang nasasakop ng diyosesis ang buong lalawigan ng Rizal at ang lunsod ng Marikina.

“Sa ngalan po ng Diocese of Antipolo ang inyong kaparian, kami ay nagpapasalamat sa inyong paglilingkod, sa inyong pagpapakasakit at sa inyong pagmamalasakit sa amin, ang inyong ginagawa sa mga bata, ang inyong paglilingkod sa amin, ang inyong pagmamahal sa ating simbahan,” ani Bishop Santos.

Tema sa National Catechetical Month ngayong taon ang “Revitalizing the gifts of Being, Becoming, and Belonging to the Ministry of Catechist” bilang pagkilala sa mga katekista at kahalagahan ng kanilang tungkulin sa pamayanang kristiyano.

Una ng hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan lalo na ang mga magulang na magsilbing katekista sa kanilang mga anak upang mas makilala ng mga bata ang Panginoon at maagang mahubog ang pundasyon ng pananampalatayang kristiyano.

Sa pag-aaral ng National Catechetical Studies at CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education nasa humigit kumulang 50-libo lamang ang mga katekista sa buong bansa na katuwang sa paghuhubog sa mahigit 80-milyong Pilipinong katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,188 total views

 57,188 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,057 total views

 53,057 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,259 total views

 89,259 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,647 total views

 97,647 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,207 total views

 122,207 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top