Gawing inspirasyon si St.Vincent de Paul

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,755 total views

Gamiting inspirasyon at pamamagitan si Saint Vincent de Paul upang mapukaw ang sarili at maimpluwensyahan ang kapwa na paigtingin ang mga pagtulong sa mga mahihirap.

Ito ang mensahe ni Father Joel Rescober, Rector at Parish Priest ng Archdiocesan Shrine of Our lady of the Miraculous Medal and Saint Vincent De Paul Parish sa paggunita tuwing October 17 ng World Day for the Eradication of Poverty.
Ayon sa Pari, bagamat matagal ng problema sa lipunan ang kahirapan ay patuloy parin ang simbahan sa pakikiisa sa mga inisyatibong itinataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap sa lipunan.

“Si Saint Vincent De Paul nuong panahon niya ay namuhay siya sa panahon na maraming naghihirap sa France at nakita niya yon at naranasan niya, kaya sa kaniyang sariling pamamaraan at kakayanan ang pinukaw niya ang maraming mayayaman, ang mga nasa impluwensya sa gobyerno na talagang tumulong sa mga mahihirap, kaya nakapag-organize siya ng maraming institusyon sa mga communities para talagang maging organisado ang talagang pagtulong sa mga mahihirap,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Rescober.

Sa tulong ng maayos na pag-oorganisa, pinaigting na pagtutulungan ng mga poverty alleviation movements at groups ay tiwala si Father Rescober na matutugunan ang suliranin ng kahirapan.

“Kailangan na isulong natin ang talagang pagtutulungan, matatapos lang po talaga ito (ang kahirapan) kapag nagkaisa tayong lahat, di lang pagtulong sa mga mahihirap kungdi pagkakaisa para sa karapatan, katarungan,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Rescober.

Magugunitang si Saint Vincent De Paul ay tinaguriang ‘Patron Saint of All Charitable Associations’ matapos ialay ang kaniyang buhay sa pagtitipon sa mga may kakayahang tulungan ang mga mahihirap upang mapabuti at makapamuhay sila ng may diginidad sa lipunan.

Tuwing October 17 naman ginugunita ng United Nations ang International Day for the Eradication of Poverty upang higit na mapalalim ang kaalaman ng bawat mamamayan hinggil sa nararanasang matinding kahirapan araw-araw ng 700-milyong tao sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 34,429 total views

 34,429 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 76,321 total views

 76,321 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 130,364 total views

 130,364 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 157,414 total views

 157,414 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 172,977 total views

 172,977 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 7,936 total views

 7,936 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top