Ipanalangin ang mga misyonero, panawagan ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,348 total views

Hiniling ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa lahat ng mga misyonerong naglilingkod sa iba’t ibang dako ng daigdig.

Ito ang mensahe ng obisppo sa World Mission Sunday kung saan binigyang diin ang mahalagang tungkulin bilang binyagang kristiyano na makibahagi sa gawaing pagmimisyon ni Kristo.

“May mga taong itinalaga ang kanilang sarili sa pagmimisyon, suportahan natin sila, ipanalanginat at tulungan sa material at pinansyal na pangangailangan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batid ng opisyal ang hirap na dinaranas ng mga misyonero lalo na sa mga bansang nakararanas ng labis na kahirapan, kagutuman, digmaan kung saan lantad sa iba’t ibang uri ng panganib maihatid lamang ang mabuting balita ng Panginoon.

Tema ng World Mission Day 2023 ang “Hearts on fire, feet on the move” na ayon kay Pope Francis hango sa paglalakbay ng mga disipulo patungong Emmaus kung saan nakasalamuha si Hesus na nagpapaigting sa kanilang damdaming ipalaganap ang mabuting balita sa mga pamayanan.

Tinuran ni Bishop Pabillo na ang araw na itinalaga para sa mga misyonero ay paalala na bawat isa ay may tungkuling magmisyon sa mga komunidad na kinabibilangan.

“Ang World Mission Sunday pumupukaw muli sa ating commitment na maging misyonero,” ani Bishop Pabillo.
Hamon ng obispo sa mga misyonero na ipalaganap sa buong daigdig ang pag-ibig ni Hesus upang manaig ang pagbubuklod ng mamamayan na maging daan sa pagkakamit ng kapayapaan.

Inalala rin ni Bishop Pabillo ang mga misyonerong nakatalaga sa Gitnang Silangan lalo na sa mga bansang may digmaan tulad ng Israel at Gaza.

Una nang kinilala ng Santo Papa Francisco ang mga migranteng Pilipino bilang ‘smugglers of faith’ dahil sa kanilang pagmimisyon sa mga komunidad ng bawat bansang pinagtatrabahuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 24,659 total views

 24,659 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 66,551 total views

 66,551 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 120,594 total views

 120,594 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 147,901 total views

 147,901 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 164,076 total views

 164,076 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top