Ika-10 taon ng PCNE, gaganapin sa January ‘Salya: Let us cross to the other side’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,490 total views

Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-10 anibersaryo ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE).

Ayon kay OPNE Director Fr. Jason Laguerta mahalaga ang sama-samang paglalakbay bilang pamayanang kristiyano ayon sa panawagan ng Santo Papa Francisco na synodality.

Sinabi ng pari na pagninilayan sa unang dekada ng PCNE ang temang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni San Marcos kabanata apat talata 35.

Dagdag pa ni Fr. Laguerta na ito ay alinsunod din sa Traslacion Roadmap ng arkidiyosesis na unang inilunsad noong Abril na layong magiging gabay sa patuloy na paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Ang ‘roadmap’ ay hango sa Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan ayon kay EDSA Shrine Rector at RCAM Public Affairs Ministry Commissioner Fr. Jerome Secillano ito ang hakbang ng arkidiyosesis na matulungan ang simbahan ng Maynila sa mga pagbabagong gagawin upang maisaayos at mapabuti ang paglilingkod sa mahigit tatlong milyong mananampalataya.

Isasagawa ang PCNE 10th conference sa January 19 hanggang 21, 2024 sa University of Santo Tomas.

Inaasahan ang pakikibahagi ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization sa pagtitipon kasama ang ilan pang opisyal ng Vatican.

Unang isinagawa ang PCNE noong 2013 sa pangunguna ni Cardinal Tagle na noo’y ang arsobispo ng arkidiyosesis bilang tugon sa panawagang New Evangelization ng simbahang katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 24,273 total views

 24,273 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 54,496 total views

 54,496 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 81,147 total views

 81,147 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 176,120 total views

 176,120 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 195,730 total views

 195,730 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top