Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SLP, nakikiisa sa kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

SHARE THE TRUTH

 35,491 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa paggunita ng Arkidiyosesis ng Palo sa Kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo kaalinsabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.

Ayon kay outgoing LAIKO National President Bro. Raymond Daniel Cruz Jr., ang kapistahan ng Nuestra Señora de la Esperanza de Palo ay isang paalala sa bawat isa na patuloy na panghawakan ang pag-asang hatid ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ni Cruz na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman sa kabila ng anumang hamong kaharapin sa buhay.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas joins the Archdiocese of Palo in the celebration of the Feast of Our Lady of Hope of Palo and in reminding all of us to remain in hope and in the sure and certain faith that God is always near and is among us.” Ang bahagi ng pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Nagpaabot din ng paghanga si Cruz sa mga mananampalataya at sa Arkidiyosesis ng Palo na pinangangasiwaan ni Palo Archbishop John Du na sama-samang ipinamalas ang katatagan ng pananampalataya, lakas ng loob at tiwala sa Panginoon sa loob ng nakalipas na isang dekada mula ng naganap ang trahedya.

“With faith and thanksgiving, we commend the Archdiocese of Palo, His Excellency Archbishop John Du, and the people of God for the example of a decade of resilience, grit and hope. Our Lady of Hope, be with us.”pagbabahagi ni Cruz

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Super Typhoon Yolanda ang kauna-unahang Super Typhoon category na naitala at itinuturing na pinakamalakas na bagyong nanalasa sa bansa na tumama sa Eastern Visayas noong ika-8 ng Nobyembre taong 2013 kung saan mahigit sa 6,000 ang naitalang nasawi.

Ito rin ang dahilan ng personal na pagbisita sa Pilipinas ang Kanyang Kabanalan Francisco noong Enero ng taong 2015 upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon matapos ang naganap na sakuna.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,248 total views

 27,248 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,348 total views

 35,348 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,315 total views

 53,315 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,366 total views

 82,366 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,943 total views

 102,943 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,274 total views

 1,274 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,093 total views

 2,093 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,507 total views

 7,507 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top