Katutubong Tuwali, ipinapahinto sa Malakanyang ang FTAA sa OceanaGold Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,178 total views

Nagpasa ng petisyon sa Malacañang ang mga katutubong Tuwali ng Barangay Didipio sa Kasibu, Nueva Vizcaya upang manawagang ihinto na ang Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA) sa pagitan ng pamahalaan at OceanaGold Philippines, Inc.

Pinangunahan ni Didipio Barangay Captain Erenio Boboolla at mga pinuno ng Didipio Earth Savers Multi-Purpose Association (DESAMA) ang pagpapasa ng petisyon sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa petisyon, nilabag ng OceanaGold ang Section 26 at 27 ng Local Government Code (LGC) na ipinag-uutos ang pangkalahatang konsultasyon kasama ang lokal na pamahalaan, pamayanan, at mga katutubo bago pahintulutan ang proyekto.

“Clearly, a prior consultation with nongovernmental organizations and other sectors, and the local government units’ approval, must be secured before the renewal. Lamentably, these twin requirements were not observed in connection with the FTAA renewal,” ayon sa magkakasamang pahayag ng mga nagpasa ng petisyon.

Matagal nang tinututulan ng mga lokal na opisyal at pamayanan ng Kasibu ang pagmimina na nagdulot na ng malawakang pagkaubos ng tubig na nakaapekto na sa irigasyon sa mga palayan.

Bago magsimula ang operasyon ng OceanaGold sa Didipio, umaabot pa sa 15-libong kilo ng palay ang inaani ng mga magsasaka, ngunit ngayo’y aabot na lamang sa apat na libong kilo.

Kasama naman ng mga katutubong Tuwali sa pagpapasa ng petisyon ang Legal Rights and Natural Resources Center (LRC).

Kabilang sa usaping pangkalikasan na patuloy na tinututukan ng Diyosesis ng Bayombong ang mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya.

Una nang inihayag ni Bishop Jose Elmer Mangalinao na ang nakikitang benepisyo ng pamahalaan sa pagmimina ay malayo sa mga nararanasan ng mga katutubong pamayanan na higit pang naghihirap dahil sa pinsalang dulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi nakatutuwang biro

 19,035 total views

 19,035 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 52,910 total views

 52,910 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 204,965 total views

 204,965 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 229,875 total views

 229,875 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 267,810 total views

 267,810 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 36,335 total views

 36,335 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top