Paskuhan concert, handog ng pasasalamat ng UST sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,483 total reads

Tiniyak ng Pontifical University of Santo Tomas ang patuloy na paghuhubog sa mga kabataan sa krisitiyanong pamamaraan.

Ito ang pahayag ni UST Communications Bureau Director Philippe Jose Hernandez sa ginanap na Paskuhan Concert ng institusyon nitong December 21.

Ayon kay Hernandez na bagamat kinasasabikan ng mga estudyante ang mga programa ay pinalalahanan nitong si Hesus ang tunay na diwa ng pasko.

“Even if Paskuhan is oftentimes remembered by, especially ng Thomasians na uma-attend they would think of fireworks and concerts and other celebratory things, one commitment that the university will always make is that it will always start and ends with the Lord,” pahayag ni Hernandez sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng opisyal na sinimulan ang Paskuhan season noong December 1 sa temang ‘Witnessing the Joy of Christmas’ sa pagdiriwang ng Banal na Misa at pagbabasbas kasabay ng pagpailaw ng Christmas lights and decor sa paligid ng unibersidad.

Aniya tulad ng paalala ng Dominican Fathers, mga guro at mga tagapaghubog ng UST sa kabataan na lahat ng pagdiriwang ay biyayang ipinagkaloob ng Diyos.

Ayon pa ni Hernandez na ang Paskuhan ay pasasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya at tagumpay na nakamit ng mga estudyante at ng buong unibersidad sa taong 2023 kasabay ang pagtiyak na ipagpatuloy ang gawain bilang bahagi ng tradisyon ng UST.

“It’s a way of continuing and spreading Thomasian culture, I think apart from rigorous academic formation, research formation, ang isang balik balikan ng estudyante sa kanyang campus are the happy memories kasi yung kapwa mo estudyante ang support system mo, and that sense of bonding balances the formation that we provide so it’s like milestones in their student journey to be here,” ani Hernandez.

Ilan sa mga gawain ng Paskuhan season ang Paskuhan Gift-giving ng UST SIMBAHAYAN Office for Communtiy Development kung saan ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa tulong ng Agapae para sa mga Kamanlalakbay ngayong Pasko o AKaP; Sambahaginan para sa mga kawani ng UST; Kaparokya para sa mga naglilingkod sa Santisimo Rosario Parish, gayundin ang Kasama sa maAGAP na aksyon at Payo o KAAGAPAY para sa sectoral groups.

Sa pagtapos ng Paskuhan season kabilang sa mga nagtanghal ang mga nanalo sa Tunog Tomasino 2023, Thomasian Bands na Kler, Benchfly at MIMOSA gayundin ang grupong BINI, Cup of Joe, Hey Jace, Lola Amour, Oh Stella! Adie, at Lilly.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,975 total reads

 49,975 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,475 total reads

 136,475 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,512 total reads

 179,512 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,271 total reads

 229,271 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,223 total reads

 388,223 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top