Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,803 total reads

Homiliya para sa Pang-anim na Araw ng Simbang Gabi, Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 21 ng Disyembre 2023, Lk 1:39-45

Ewan ko kung saan ba nanggaling ang tradisyon na si San Lukas daw ay isa sa mga pinakaunang pintor ng mga imahen ng mga santo at santa. Ang alam ko ay ang tradisyon tungkol sa kanya bilang manggagamot. Pero bakit kaya malakas din ang tradisyon tungkol sa kanya bilang religious painter?

Bago ko sagutin ang tanong, kaunti munang trivia tungkol sa Kasaysayan ng Pananampalatayang Kristiyano. Sa Roman Catholic tradition na siyang mas kilala natin sa Pilipinas, ang alam nating mga imahen, kadalasan, ay mga rebulto o istatwa ng mga santo at santa. Sa Oriental Christian tradition—maging Orthodox man o Katoliko, hindi mga rebulto o istatwa ang mga imahen nila sa loob ng kanilang mga simbahan kundi mga “icons” na nakapinta sa flat na kahoy. Ang pinakasikat na icon natin sa Pilipinas at ang Mother of Perpetual Help sa Baclaran.

Kadalasan, mga eksena ang mga icons sa buhay ng mga disipulo at mga apostol lalo na sa mga ebanghelyo. May tawag sila sa ganitong porma ng religious art—iconography, na ang literal na kahulugan ay “writing an icon,” hindi “painting an icon.” Siguro dahil ang inspirasyon para sa kanila sa paggawa ng mga imahen ay nagsimula, hindi sa pintura at kahoy, kundi sa literatura. Isang magandang halimbawa ang ating Gospel reading ngayon tungkol sa eksena ng Visitation, ang pagdalaw ni Mama Mary kay Elisabet ayon kay San Lukas. (Kaya siguro siya tinatawag na oldest iconographer.)

Kung ipipinta sa wood panel ang kuwento ng Visitation ayon kay San Lukas, may limang karakter sa kuwento—ang tatlo ay aktibo, ang dalawa ay tahimik lang sa background. Ang tatlong aktibo ay sina Maria, Elisabet, at si Juan Bautista na sanggol pa lang sa sinapupunan ni Elisabet. Ang tahimik pero naririyan din ay ang Anak ng Diyos na nasa tiyan na ni Maria, at ang hindi binabanggit pero nariyan din sa eksena—si Zacarias, na hindi na nagsalita mula nang malaman na buntis ang misis niyang may edad na at inaakala niyang baog. Isama na rin natin ang mga kapitbahay nilang marites na marahil ay pasilip-silip na nagmamasid sa dramang nangyayari sa buhay ng mag-asawa.

May movement sa eksena: nagmamadaling naglalakbay si Maria, humahangos sa pintuan ang excited na Elisabet, at naglululundag naman ang sanggol na Juan Bautista sa tiyan ni Elisabet. Kung bibigyan ng title: ang itatawag ko dito ay pagtatagpo ng dalawang kaban ng tipan sa katauhan ng nagsasalubong na dalawang babaeng nagdadalangtao—isang matanda at isang kabataan. Si Elisabet na nagdadala kay Juan ay ang Kaban ng Matandang Tipan, at Si Mama Mary na nagdadala kay Hesus ay ang Kaban ng Bagong Tipan.

At dahil tungkol sa simbahang nagmimisyon ang mga pagninilay natin mula noong unang araw ng Simbang Gabi, ang Mahal na Birheng Maria na dumadalaw kay Elisabet ang gagawin nating “imahen ng simbahang nagmimisyon”.

Hindi lang siya nagdadalang-tao; siya’y nagdadalang-tipan. Siya na Ina ni Kristo ay Ina ng Diyos na totoo na sabay na Tao ring Totoo. Kaya tinatawag si Maria bilang “Kaban ng Bagong Tipan” dahil siya ang naging marapat na sisidlan ng bagong simbolo ng Tipan—hindi na ang dalawang tapyas ng bato na may nakatitik na sampung utos. Sa kanyang sinapupunan, ang pagkaDiyos ng Diyos at pagkatao ng tao ay naging iisang persona. At upang mabigyang kaganapan ang kanyang misyon, nagpapatuloy pa rin ang pagtitipan ng Diyos at tao sa pamamagitan natin, ang sambayanan ng kanyang mga alagad. Pinagkalooban niya tayo ng biyaya ng Espiritu Santo upang makiisa at makilahok sa kanyang buhay at gawain bilang bahagi ng kanyang katawan.

Ang pagpapalang hatid natin sa mundo ay walang iba kundi si Kristo mismo. Siya ang pagpapalang tinanggap ni Maria at dinala sa sinapupunan niya. Siya ang dumadalaw pero ang presensyang naramdaman ni Elisabet at ng sanggol na propeta sa tiyan niya ay si Kristo, ang Anak ng Diyos, ang pagpapalang hinihintay ng buong daigdig. Kaya si Elisabet na puspos ng Espiritu ay nagpahayag: “Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong dinadalang Anak.”

Mga kapatid, huwag nating ipagkait sa mundong nananabik ang blessing na ito. Huwag nating itago sa kaban ang tipan; ibahagi natin ito sa mundong makasalanan ngunit lubos na minamahal at patuloy niyang tinutubos at pinag-aalayan ng buhay. Ito ang ibig sabihin ng magmisyon—ang maipakilala sa mundo ang kagandahang-loob ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 155,115 total reads

 155,115 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 186,218 total reads

 186,218 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,342 total reads

 220,342 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,748 total reads

 276,748 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG ARAW NI KRISTO HESUS

 15,927 total reads

 15,927 total reads Isang Pagninilay Tungkol sa Kinabukasan ng Sangkatauhan Malapit na naman ang panahon ng Adbiyento. Bagama’t ilang linggo pa bago ito magsimula, nais ko

Read More »

UNLEARNING OLD HABITS

 15,941 total reads

 15,941 total reads Old habits are indeed difficult to unlearn. And nowhere is this perhaps more evident than in the way our House of Representatives continues

Read More »

SINO ANG KALABAN?

 4,872 total reads

 4,872 total reads Homiliya para sa Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon Oktubre 29, 2026 Efeso 6:10–20; Lucas 13:31–35 Ang eksenang parang bumalik sa alaala

Read More »

THANK GOD FOR THE “ANGRY NERDS”!

 13,685 total reads

 13,685 total reads At a time when many Filipinos are becoming cynical about politics and losing hope in our democratic institutions, people like Ken Abante and

Read More »
Scroll to Top