Mamamayan, pinapaiwas sa paputok ng Ecowaste coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,617 total views

Muling binalaan ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa tradisyonal na pagpapaputok para sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon ay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, makabubuting salubungin ng bawat pamilya at pamayanan ang bagong taon nang malusog at ligtas sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga paputok na lumilikha ng labis na ingay, usok, basura, at panganib sa kalusugan at kalikasan.

Ginawa ni Lucero ang pahayag sa ginanap na “Iwas Paputoxic Community Program and Parade” katuwang ang Barangay Central, Quezon City upang higit na maisulong ang mapayapa at ligtas na pagtatapos ng taong 2023 at pagsalubong naman sa 2024.

“We urge our families and communities to herald the New Year in a manner that will not further degrade the air quality with added chemical pollutants, cause senseless loss of body parts and even lives, destroy homes, and torture cats and dogs with ear-splitting sounds from the bursting of firecrackers and fireworks,” pahayag ni Lucero.

Alinsunod sa Executive Order No. 54 series of 2022, ipinagbabawal sa mga pribadong tahanan sa Quezon City na gumamit ng paputok at magsagawa ng sariling fireworks display.

Iginiit naman ng EcoWaste na ang hindi paggamit ng mga paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon ay magandang hakbang bilang mamamayan upang tumalima sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean Air Act, Ecological Solid Waste Management Act, Clean Water Act, Climate Change Act, at ang Animal Welfare Act.

Ang kampanyang Iwas Paputoxic ay nagsimula noong Disyembre 2006, na naaakma rin sa Iwas Paputok campaign ng Department of Health.

Sa huling ulat naman ng DOH, umabot na sa halos 75 ang kaso ng firecracker-related injuries kung saan anim sa sampung kaso ay nagmumula sa National Capital Region, Central Luzon, at Ilocos Region.

Patuloy namang hinihimok ng simbahan ang bawat isa na baguhin ang mga nakasanayang nakakapinsala sa kalikasan upang maisulong ang payak na pamumuhay na nagpapakita ng pagiging mabuting katiwala ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,471 total views

 21,471 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,822 total views

 49,822 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,552 total views

 117,552 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,703 total views

 140,703 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,323 total views

 209,323 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top