SCMP, nakikiisa sa jeepney drivers at operators

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,662 total views

Tiniyak ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang patuloy na pakikiisa sa sektor ng traditional jeepney drivers at operators na nanganganib mawalan ng kabuhayan.

Ito ang tiniyak ni Kej Andres, Pangulo ng SCMP sa paggunita sa ika 63-taong anibersaryo ng pagkakatag ng grupo.

Ayon kay Andres, napapanahon ang pinaigting na pakikiisa ng ibat-ibang grupo higit ng mamamayan upang mapalakas ang mga apela ng jeepney sector sa kabila ng tatlong buwang extension ng jeepney francise consolidation.

“Tunay na sa harap ng panggigipit at patuloy na palpak na pagtugon ng gobyerno sa mga pangagailangan ng mga Pilipino, ang kolektibong lakas at pagkilos natin ang magiging sandalan ng bawat isa,” ayon sa mensahe ni Andres.

Ginunita ng S-C-M-P ang kanilang anibersaryo kasama ang mga jeepney driver at operators.

Sa pamamagitan ito ng pagdaraos ng maliit na salo-salo kung saan pinangasiwaan ng SCMP ang donation drive para maisakatuparan ang gawain.

Ito ay upang ipakita ng grupo ang pinaigting na pakikiisa sa mga jeepney driver at operator na apektado ng franchise consolidation kung saan tuluyang ipagbabawal ang pamamasada ng mga traditional jeepneys sa buong Pilipinas upang palitan ng modern jeepney units.

“Nai-usog man ang deadline ng consolidation ng mga jeepney, patuloy parin ang pagpakat sa mga strike centers para igiit na hindi extension kundi pagbasura sa peke at makadayuhang PUV Modernization Program ang panawagan ng mga tsuper, operator, at komyuter,” bahagi pa ng mensahe ni Andres.

Sa pinagsama-samang pag-aaral ng ibat-ibang grupo ng mga jeepney at sektor ng lipunan, inaasahan na kagyat na mawalan ng pagkakakitaan ang 200-libong mga jeepney drivers at operators sakali na tuluyang umiral ang franchise consolidation.

Unang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deadline ng extenstion sa jeepney franchise consolidation sa April 30, 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,688 total views

 30,688 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 59,039 total views

 59,039 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,769 total views

 126,769 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,920 total views

 149,920 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 217,851 total views

 217,851 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 8,135 total views

 8,135 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top