Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

E-waste, malaking ambag sa paglago ng ekonomiya

SHARE THE TRUTH

 31,922 total views

Inihayag ni EcoWaste Coalition national coordinator Aileen Lucero na mayroong malaking ambag sa ekonomiya ng bansa ang pangongolekta at pag-re-recycle ng electronic waste o e-waste.

Ayon kay Lucero, malaki ang maitutulong ng pag-re-resiklo sa mga basura hindi lamang sa kalikasan, kun’di maging sa ekonomiya dahil ang mga bagong produktong malilikha rito ay maaaring pagmulan ng pagkakakitaan at hanapbuhay sa mga pamayanan.

Ginawa ni Lucero ang pahayag sa ginanap na 2024 Waste and Water o W2 Summit na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa SMX Convention Center sa Pasay City.

“Our e-waste has economic value. If we are able to increase our recycling rates, the 83% of our e-waste which are left uncollected may be reintegrated into our production stream and provide additional employment within communities,” pahayag ni Lucero.

Tema ng W2 Summit ang ‘Sustainable Waste and Water Solutions for a Sustainable Future’ na naglalayong paigtingin ang pagtutulungan sa pagitan ng mga lokal at ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga usapin at suliranin hinggil sa pamamahala sa basura at tubig sa bansa.

Kasabay ng pagtitipon ang paggunita sa anibersaryo ng paglagda sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na nagbigay ng pagkakataon upang mapagtuunan ang pagtugon at pamamahala sa mga disaster waste at tumataas na porsyento ng pag-re-recycle sa e-waste.

Batay sa ulat, umaabot sa 61-libong metriko toneladang basura ang nalilikha sa bansa araw-araw, kung saan 20-porsyento rito ay nagmumula sa National Capital Region, at nag-aambag sa 20 hanggang 22 milyong metriko toneladang solid waste kada taon.

Nakasaad sa Laudato Si’ ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng pamayanan upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at batas na nangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 14,364 total views

 14,364 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 65,089 total views

 65,089 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 81,177 total views

 81,177 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 118,406 total views

 118,406 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 8,408 total views

 8,408 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 8,771 total views

 8,771 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 35,683 total views

 35,683 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top