Administrasyong Marcos, hinamon ng simbahan na ipatigil ang reclamation at seabed quarrying

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,962 total reads

Hinamon ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pamahalaan na maglunsad ng mga kongkretong hakbang na mangangalaga sa mga karagatan at mga pamayanan sa baybayin.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hindi sapat ang mga pahayag lamang hinggil sa pangangalaga sa kalikasan lalo na sa mga karagatan.

Inihayag ni Bishop Alminaza na nararapat ipakita ng gobyerno ang mga tunay na hakbang at programa na mangangalaga sa baybaying dagat at mga pamayanang malapit ditto.

Tinukoy ni Bishop Alminaza ang reclamation, river dredging, at seabed quarrying activity sa buong bansa, na nagdudulot ng pangamba sa mga pamayanan dahil sa surilanin at pinsala sa kabuhayan ng mga mangingisda, marine ecosystem, at katiyakan sa pagkain.

“People woke up to find dredging ships in their waters, with no prior warning or explanation. Dredging ships have repeatedly damaged fishing gear, leaving families unable to earn their living. The extraction activities are decimating marine life. This not only affects the food security of coastal communities but also disrupts the delicate balance of the entire ecosystem.” pahayag ni Bishop Alminaza.

Noong Enero ay nagpadala ng liham at joint statement ang Caritas Philippines at Alyansa Tigil Mina kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamamagitan ni House Speaker Martin Romualdez na nanawagan sa agarang pagpapalabas ng executive order upang tuluyang mahinto ang lahat ng reclamation at seabed quarrying activity sa buong bansa.

Nakasaad sa pahayag na mahalagang maipatupad ang suspensyon hanggang sa makumpleto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kumprehensibong pagsusuri sa mga epekto sa kalikasan at lipunan ng mga ganitong uri ng proyekto.

Sa tala ng DENR, nasa 22- Manila Bay reclamation projects ang may pahintulot na makapagsagawa ng operasyon, kung saan 15 rito ang nasa bahagi ng Metro Manila.

Binigyang-diin ng grupo ang pinsala sa mga baybayin ng Zambales, Bataan, at Cavite, kung saan nagpapatuloy ang sand mining, river dredging, at seabed quarrying sa kabila ng anunsyo ni Pangulong Marcos na pagpapahinto sa Manila Bay reclamation projects noong Agosto 2023.

“These activities threaten the very resilience of our coasts, making them more susceptible to flooding, erosion, and the impacts of climate change.” paliwanag ni Bishop Alminaza.

Umaasa ang obispo na dinggin ng pamahalaan ang patuloy na panawagan ng mga makakalikasang grupo, lalo’t higit ang mga apektadong pamayanan upang mahinto na at mapapanagot ang mga opisyal ng pamahalaan at pribadong sektor na may kinalaman sa mga mapaminsalang proyekto sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 136,698 total reads

 136,698 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 169,631 total reads

 169,631 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 203,756 total reads

 203,756 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 260,161 total reads

 260,161 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 181,705 total reads

 181,705 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top