Devotion, gratitude, friendship and camaraderie.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,909 total reads

Ito ang pangunahing layunin ng isinagawang National Congress of St. James the Greater Parishes and Devotees kung saan sa ikalimang taon nito ay ginanap sa Archdiocesan Shrine and Parish of St. James the Great sa Ibaan Batangas.

Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Allen Vic Cartagena, OSJ, papagtibayin ng gawain ang bukluran ng mga parokyang nakatalaga kay Santiago Apostol gayundin ang mga deboto at ipagpasalamat sa Diyos ang patuloy na pamamagitan ng santo.

“Ang objective nitong conferences ay para lalong mapalalim ang pagkilala sa aming patron, pangalawa ang pasasalamat sa Diyos na sa tulong ni Santiago ay tuloy ang ang biyaya, ang pagdaloy ng grasya mula sa Diyos, at ang camaraderie ng mga deboto para magkaroon ng magandang samahan,” pahayag ni Fr. Cartagena sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng pari ang malaking hamon na palawakin ang debosyon ni Santiago Apostol na itinuring patron ng mga beterinaryo at mga perigrino.

Tinuran ni Fr. Cartagena ang gawain bilang pagsabuhay sa simbahang sinodal sapagkat sa mga national conferences ay sama-samang naglalakbay ang mga deboto tungo sa landas ni Hesus.

“This is one way of expressing synodality very particular nga lamang siya sa parishes under the patronage of St. James the Greater pero ito ay nagpapalaganap ng pagkakaisa sa puso at damdamin lalo’t higit pananampalataya sa Diyos sa tulong ni Santiago Apostol,” ani Fr. Cartagena.

Unang inilunsad ng St. James the Great Parish sa Ayala Alabang ang national conference noong 2018 na sinundan sa Cebu, Dapitan City sa Zamboanga, at sa Plaride Bulacan habang naipagpaliban ito ng dalawang taon dahil sa pademya.

Binuksan ang 5th national conference noong January 31 sa misang pinangunahan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera habang tampok sa tatlong araw na pagtitipon ang mga panayam nina Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit at Dominican priest Fr. Rolando Dela Rosa.

Nagdiwang ng banal na misa sa ikalawang araw si OSJ Philippine Province Provincial Superior Fr. Jayson Endaya, OSJ, habang ang closing mass ay pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Bukod sa mga panayam nagkaroon din ng mga pagtatanghal at Camino Walk ng 500 debotong dumalo sa 3-day conference.

Paanyaya ni Fr. Cartagena sa mananampalataya na huwag mag-atubiling lumapit at humingi ng tulong panalangin kay Santiago Apostol.

“Iniimbitihan ko po kayo na kilalanin si Santiago Apostol, kung gaano kamahal ang personal saints po ninyo inooffer po namin ang debosyon ni St. James the Great para sa lahat ng ating pangangailangan lalong lalo na po kung minsan tayo ay nagugulumihanan sa ating pananampalataya,” giit ni Fr. Cartagena.

Samantala itinakda naman ang ikaanim na national conference sa 2025 kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee Year ng simbahan na gaganapin sa St. James the Great Parish sa Batuan Bohol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 136,834 total reads

 136,834 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 169,754 total reads

 169,754 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 203,879 total reads

 203,879 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 260,284 total reads

 260,284 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top