Mananampalataya, binalaan sa pekeng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu FB page

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,365 total reads

Muling nagbabala ang Augustinian Friar’s ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa mananampalataya lalo na sa mga deboto ng batang Hesus na iisa lamang ang official Facebook page ng basilica.

Pinag-iingat nito ang mananampalataya sa pakikipag-ugnayan sa mga pekeng account upang maiwasang maloko lalo sa online transactions.

“The Augustinian friars of the Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu would like to inform everyone ONCE AGAIN especially the devotees of the Holy Child that the Basilica has only ONE OFFICIAL FACEBOOK PAGE. Any other facebook pages bearing the name of the Basilica is not in any way connected to the institution. We would like to remind all the faithful to be mindful and careful of these pseudo accounts,” bahagi ng pahayag ng Augustinian friars.

Makailang beses nang ginagamit ang pangalan ng basilica sa iba’t ibang gawaing panloloko sa kapwa lalo’t tanyag ang debosyon ng Santo Nino hindi lamang sa lalawigan ng Cebu kundi maging sa buong mundo.

Hinimok nito ang mananampalataya na i-report ang mga nagsulputang pekeng FB account na ipinangalan sa basilica upang maiwasan ang scam.

Iginiit din ng basilica na hindi nito itinataguyod ang ibang imahe ng Santo Nino na may kaakibat na pampaswerte sapagkat ito ay nakalalabag sa kautusan ng Panginoon at simbahan.

“Moreover, we do not promote the Santo Niño de Cebu with green vestment that brings “paswerte” or “luckycharms.” Sacred images remind us to deepen our trust and faith in God,” anila.

Matatandaang noong Oktubre 2023 pinabulaanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang kumakalat na video promotion sa social media tungkol sa pagbasbas sa imahe ng Santo Nino hubad.

Iginiit ng arsobispo na iisang imahe lamang ng Santo Nino ang itinataguyod ng arkidiyosesis katulad ng nakadambana sa Basilica Minore del Sto. Nino de Cebu.
Matatandaang ang Santo Nino de Cebu ay isa sa mga tanyag na debosyon sa Pilipinas kung saan ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Enero na dinadaluhan ng milyong mananampalataya gayundin ng mga turistang lokal at dayuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 171,318 total reads

 171,318 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 201,112 total reads

 201,112 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 235,235 total reads

 235,235 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 291,641 total reads

 291,641 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top