Earth Hour 2024, itinakda sa March 23

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,548 total views

Muling pangungunahan ng World Wide Fund for Nature (WWF) Philippines ang Earth Hour 2024 na patuloy na panawagang bigyang pahinga ang daigdig na gampanin ng bawat isa upang pangalagaan ang kalikasan.

Ayon kay WWF Philippines executive director Katherine Custodio, sa simula pa lamang ay tunay nang magkaugnay ang tao at kalikasan.

Gayunman sa paglipas ng panahon ay nakakalimutan na ng mga tao ang tungkuling pangalagaan ang kalikasan.

Sinabi ni Custodio na dahil sa labis at maling pamumuhay ng mga tao ay higit pang nararanasan ang mapaminsalang epekto ng krisis sa klima.

“Too many of us have forgotten that we are deeply connected with nature, but the way we live, the way we produce and consume, the way we create the spaces we live – all have made a tremendous impact on our environment, on biodiversity. We need to remember a simple message that humans will be [okay] only if nature, our planet is [okay],” pahayag ni Custodio.

Bibigyang-pansin sa Earth Hour 2024 ang pagtugon sa plastic pollution na kabilang sa mga suliranin ng bansa na hindi lamang nakakaapekto sa kalikasan kun’di maging sa kalusugan ng mamamayan.

Batay sa pagsusuri, dalawang milyong toneladang plastic waste ang nalilikha sa Pilipinas kada taon, kung saan siyam na porsyento lamang dito ang nare-recycle, at 35-porsyento naman ang nakokolekta mula sa karagatan.

“As we are an archipelago of 7,640 islands, the damage caused by plastic pollution to our environment is magnified,” ayon kay Custodio.

Kaugnay nito, magiging katuwang ng WWF-Philippines ang Manila City Government upang manguna sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024 sa March 23 sa Kartilya ng Katipunan, sa tabi ng Manila City Hall.

Inaasahang itatampok dito ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw sa mga kilalang landmark sa lungsod tulad ng Manila City Hall at Rizal Monument mula alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Inaasahan din ang pakikibahagi ng national landmarks, tanggapan ng pamahalaan, at mga pamayanan sa buong bansa sa pagpapatay ng mga kagamitang de-kuryente bilang pagsuporta sa layuning pangalagaan ang daigdig.

Live namang mapapakinggan sa Radio Veritas 846 ang programang “Banal na Oras para sa Kalikasan”.

Taong 2007 nang unang isagawa ang Earth Hour sa Sydney, Australia, at 2008 naman nang ilunsad ito sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 58,579 total views

 58,579 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,448 total views

 54,448 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,650 total views

 90,650 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,968 total views

 98,968 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,431 total views

 123,431 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top