Arnold Janssen Kalinga Foundation, pinarangalan ng iVolunteer Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,444 total reads

Ginawaran ng pagkilala ng iVolunteer Philippines ang Arnold Janssen Kalinga Foundation sa naganap na iVolunteer’s Partner Appreciation Night noong ikalawa ng Marso, 2024.

Ang iVolunteer Philippines ay isang nonprofit charitable organization na nagsisilbing largest volunteer portal sa bansa o nagsisilbing tulay sa mga nagnanais makibahagi sa iba’t ibang volunteer organization sa buong bansa.

Partikular na iginawad ng iVolunteer Philippines ang ‘Volunteer Engaging New Partner of the Year’ sa Arnold Janssen Kalinga Foundation bilang bagong katuwang na organisasyon o NGO partner mula noong 2023 na may pinakamataas na volunteer feedback at pinakamadaming ‘engaged volunteers’ noong nakalipas na taon.

Ikinalugod naman ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang pagkilalang iginawad ng iVolunteer Philippines bilang bagong katuwang na organisasyon mula noong nakalipas na taon.

“We’re blown away by the recognition! Thank you to iVolunteer Philippines for recognizing us as their “New Partner of the Year”. We’re so honored to be working with such an inspiring group. Thank you for a wonderful night!” Bahagi ng pahayag ng AJKF.

Inihayag ni Rev. Fr. Flavie Villanueva – Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center ang Arnold Janssen Kalinga Foundation na itinatag ng Society of Divine Word (SVD) Congregation noong 2015 ay bunga ng pagnanais na matugunan ang pagdami ng mga mahihirap partikular na ang mga palaboy na walang sariling tahanan sa kalakhang Maynila.

Unang inihayag ng Pari na may tatlong bahagi ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan, pagkakaloob ng alternative learning system at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.

Naitatag ang iVolunteer Philippines noong 2009 matapos ang Bagyong Ondoy na naglalayong magsilbing gabay sa mga nagnanais na tumulong at magbahagi ng kanilang mga donasyon at panahon sa mga volunteer organizations para sa iba’t ibang sektor na nangangailangan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 112,527 total reads

 112,527 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 146,927 total reads

 146,927 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 181,058 total reads

 181,058 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 237,462 total reads

 237,462 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 34,616 total reads

 34,616 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top