Pagpapahintulot sa mga sibilyang magmamay-ari ng semi-automatic weapons, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,062 total reads

Ikinabahala ni Randy Delos Santos – field coordinator ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation para sa naiwang kapamilya ng mga biktima ng extra judicial killings ang pagpapahintulot ng Philippine National Police (PNP) sa mga sibilyan na magmay-ari ng semi-automatic rifles.

Ayon kay Delos Santos, tiyuhin ni Kian Loyd Delos Santos na biktima ng pagpaslang sa War on Drugs noong 2017, magdudulot ng pang-aabuso, karahasan at pagtaas ng kriminalidad ang pagpapahintulot sa mga sibilyan na magmay-ari ng mataas na kalibre ng baril.

Iginiit ni Delos Santos na dapat na muling pag-aralan ang pagpapatupad sa naturang inamyendahang batas ng pagmamay-ari ng armas sa bansa at bigyang halaga ang kaligtasan ng mamamayan.

“Nakakatakot yan kasi kung pahihintulutan nila [ang pagmamay-ari ng mga sibilyan ng semi-automatic rifles] ang tanong bakit? Wala na ba silang kakayanan na protektahan ang mamamayan at saka kung bibigyan ng pagkakataon ang sinumang residente na magmay-ari nito hindi ho kaya maging mapang-abuso at maraming mapatay dahil ito ay magiging banta sa bawat isa, nakakatakot ho at dapat pag-isipan nila.” Bahagi ng pahayag ni Delos Santos sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Delos Santos na dapat ang mga alagad ng batas ang may kapasidad na magkaroon na mataas na kalibre ng baril at mga armas lalo na’t wala namang banta o panganib na kinahaharap ang bansa sa kasalukuyang panahon.

Pagbabahagi ni Delos Santos, nakababahala kung saan maaring gamitin ng mga sibilyan ang mataas na kalibre ng baril.

“Bakit nila pahihintulutan, dapat sila [PNP] lang yung may kapasidad. Para saan? bakit nila bibigyan ng pagkakataon na magmay-ari ng baril ang mga tao? Siguro pwede yan kung tayo ay nasa banta o yung ating bansa ay nasa panganib, nasa under tayo ng gyera.Wala naman tayong gyera, wala naman tayong kalaban hindi naman kagaya ng Ukraine. Walang threat, walang banta so para saan gagamitin ang mga baril na ito?” Dagdag pa ni Delos Santos.

Naunang binago ng PNP ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition kung saan pinapayagan na bigyan ng lisensiya ang mga sibilyan para bumili at magmay-ari ng M-14 rifles at iba pang semi-automatic na mga baril.

Matataandaang una na ring kinundina ni Pope Francis ang maluwag na mga polisiya ng iba’t ibang bansa kaugnay sa pagmamay-ari at paggamit ng baril na nagdudulot ng karahasan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 112,450 total reads

 112,450 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 146,853 total reads

 146,853 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 180,984 total reads

 180,984 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 237,388 total reads

 237,388 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 34,608 total reads

 34,608 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top