Caritas Philippines, nababala sa joint investment ng 3-malaking kumpanya sa LGN project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,826 total reads

Nababahala ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa joint investment ng tatlong malalaking kumpanya sa bansa para sa liquified natural gas project sa Batangas.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang pamumuhunan ng Meralco PowerGen Corporation at Aboitiz Power ng Sabin Aboitiz sa proyekto ng San Miguel Global Power Holdings Corporation ay makadagdag lamang sa matagal nang suliranin na hindi pa rin natutugunan.

Itinuturing ni Bishop Alminaza na kaduda-duda ang mga pahayag na ang paggamit sa fossil gas bilang mapagkukunan ng enerhiya ay abot-kaya para sa mamamayan gayong napatunayan na sa iba’t ibang pag-aaral na lalo lamang itong makadaragdag sa mga gastusin at panganib sa seguridad ng kuryente.

“The increased reliance on a likely heavily imported fossil fuel whose price wildly fluctuates in the global market worsens the instability and vulnerability of the Philippine energy sector. This translates to more expensive electricity bills for Filipinos and energy insecurity,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Inihayag ng obispo na ang binabalak na proyekto at ang kasalukuyang coal-fired power plants sa Batangas ay higit na magdudulot ng panganib sa Verde Island Passage na itinuturing na center of the center of marine shore fish biodiversity sa buong mundo.

Binigyan diin ni Bishop Alminaza ang proyekto ay labis na makakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda lalo na sa mga lalawigan ng Palawan, Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

“If gas is intended to be a ‘transition fuel’, the proposed frameworks governing the sector do not reflect this motive… Without such strict rules in place, projects like the SMC-led gas plants in Batangas would become even more common in the country and steer us further away from what our ‘endgame’ should be: RE development aligned with a truly sustainable Philippines,” saad ni Bishop Alminaza.

Nagkakahalaga ng USD3.3-bilyon ang proyekto na magsisilbing pondo para sa 1,278-megawatt Ilijan power plant at 1,320-megawatt combined cycle power facility.
Apela ni Bishop Alminaza na gamitin na lamang ang pondo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng renewable energy sector sa Pilipinas, na makatutulong din sa pagtugon sa climate change, at kapakanan ng kaligtasan at kalusugan ng mamamayan at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 120,190 total reads

 120,190 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 154,210 total reads

 154,210 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 188,340 total reads

 188,340 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 244,744 total reads

 244,744 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 181,171 total reads

 181,171 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top