Mamamayan, hinamong supilin ang kultura ng takot na umiiral sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,121 total views

Nalulutas lamang ang isang suliraning panlipunan kapag ang lahat ay kumikilos at nakikibahagi.

Ito ang binigyang-diin ni running priest Fr. Robert Reyes hinggil sa pag-iral ng kultura ng takot sa lipunan dulot ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Fr. Reyes, ang pagtugon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa suliranin ng ilegal na droga sa bansa ay lalong nag-iwan ng pangamba sa halip na kapanatagan ng loob sa mamamayan.

Iginiit ng pari na hindi solusyon ang paggamit ng dahas para matugunan ang ilegal na droga, bagkus dapat isulong ang mga programang aakay sa mga mga naligaw ng landas tungo sa pagbabagong-buhay.

“You don’t exterminate the problem. You solve the problem. And what was the problem then? If drug addiction was a problem, the cause is not the drugs that the production and distribution of the drugs done by drug lords using little pons… Hindi nalulutas ang anumang problema sa pamamagitan ng dahas. Hindi nalulutas ang problema sa utos ng isang tao. Ang anumang problema lalo na kung problemang panlipunan ay nalulutas lang kung lahat ay kumikilos at nakikialam,” pahayag ni Fr. Reyes sa panayam ng Radio Veritas.

Ginawa ni Fr. Reyes ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng Arnold Janssen Kalinga Foundation, Inc. sa Dambana ng Paghilom sa loob ng La Loma Catholic Cemetery sa Caloocan City.

Ito ang kauna-unahang Extra-judicial killing (EJK) memorial site sa bansa na layong makapaghatid ng naaangkop na himlayan para sa mga naging biktima ng madugong drug war na lumaganap sa pamamahala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ngayon meron silang magandang memorial, itong dambana ng paghilom na kung saan ang lahat ng naniniwala na dapat matapos na ang extrajudicial killings sa isang demokratikong bansa ay pwedeng pumunta at alalahanin na ito ay hindi lang trabaho ng iilan. Ito’y pananagutan ng lahat,” saad ni Fr. Reyes.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), aabot ng higit 6,000-katao ang nasawi sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay nasa mahigit 30-libo ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 48,966 total views

 48,966 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 72,125 total views

 72,125 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 93,399 total views

 93,399 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 261,198 total views

 261,198 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top