DSAC-San Carlos, tumulong sa evacuation ng mga apektado ng Mt. Kanlaon eruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,504 total reads

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Social Action Center ng Diocese of San Carlos, Negros Occidental (DSAC) sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Nabanggit sa unang situational report ng DSAC-San Carlos ang pakikipagtulungan ng simbahan sa mga lokal na pamahalaan ng Negros Oriental at Negros Occidental upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng apektado ng aktibidad ng bulkan.
“At the onset of the volcanic eruption, the DSAC through the MSSAC [Mission Stations] and PSAC [Parish] were able to relay important data and information that aided the local unit to evacuate affected individuals and families,” batay sa DSAC-San Carlos situational report.
Tinatayang nasa 70 pamilya o 274 indibidwal ang inilikas mula sa Barangay Masulog, Canlaon City, kung saan nasa 50 pamilya at 200 displaced individuals ang nasa evacuation centers sa Barangay Masulog, habang halos 30 pamilya at 90 indibidwal naman sa Barangay Pula.
Naghanda naman ang Department of Social and Welfare Development Region 7 ng 10-libong food packs, 130 hygiene kits, at 5,000 face masks para ipamahagi sa mga apektadong indibidwal, pamilya, at pamayanan.
Gayunman, higit pa ring kailangan sa evacuation centers ang karagdagang face masks, maiinom na tubig, food packs, at mga gamot.
Samantala, maliban sa mga barangay at sitio sa ibabang bahagi ng Bulkang Kanlaon, apektado rin ng volcanic ash fall, pagbagsak ng mga bato, at masangsang na amoy dulot ng asupre ang mga karatig na bayan ng La Castellana, Moises Padilla, at San Carlos City sa Negros Occidental; at Vallehermoso at ilang bahagi ng Guihulngan City sa Negros Oriental.
Inilunsad na rin ng lokal na pamahalaan ng Canlaon City ang Incident Command System upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng mga pamayanan sa posibleng maging aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa mga susunod na oras.
“Emergency Hot lines were also opened for residents to immediately ask for help or to report important incidents. Evacuation centers were being ready to accommodate affected families and individuals. The LGU also identified safe zones so as to aid in the smooth evacuation of the affected,” ayon sa ulat.
Sa huling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, itinaas na sa alert level 2 mula alert level 1 ang Bulkang Kanlaon dulot ng pagsabog na tumagal ng anim na minuto, kagabi.
Naitala rito ang 43 volcanic earthquakes at pagbuga ng asupre o sulfur dioxide na umabot sa 797 tonelada at may taas na 5000 metro.
Mahigpit namang ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang sasakyang himpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 14,228 total reads

 14,228 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 55,755 total reads

 55,755 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 162,632 total reads

 162,632 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 207,298 total reads

 207,298 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 228,871 total reads

 228,871 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 106,815 total reads

 106,815 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top