Kahinahunan at kahandaan, hiling ng Obispo sa mga apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,678 total reads

Pinawi ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang pangamba ng mga residenteng naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Hinimok ng Obispo ang mga apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon na maging mahinahon at patuloy na maging handa.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang sakuna ay pagkakataon upang hilingin ang awa at pagkalinga ng Diyos upang mapawi ang pangamba at maging ligtas sa panganib sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

“This natural calamity reminds us of the fragility of life and our dependence on God’s mercy and providence…Let us not succumb to fear, but instead place our trust in God and focus on the safety and well-being of our families and communities,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Hiniling ng obispo sa mga apektadong mamamayan ang mahigpit na pagsunod sa mga paalala at abiso ng lokal na pamahalaan at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) para sa kanilang kaligtasan mula sa sakuna.

Dalangin din ni Bishop Alminaza ang pamamatnubay ng Espiritu-Santo para sa kalinawan ng isip ng mga lider upang makalikha ng epektibong desisyon at malampasan ang kinakaharap na hamon.

Ibinahagi rin ng obispo ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng DSAC sa lokal na pamahalaan upang mapabilis pa ang pagtugon sa pangangailangan ng mga higit na apektado.

“We pledge our support and assistance in addressing this situation, embodying th Church’s mission to serve those in need and to be a beacon of hope,” ayon kay Bishop Alminaza.

Umaapela naman ang Obispo ng donasyon upang matustusan ang pangangailangan ng mga pamilya at indibidwal na nasa evacuation centers tulad ng face masks, maiinom na tubig, food packs, at mga gamot.

Sa mga nais magbahagi ng tulong at suporta, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng Metrobank account na San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. sa account number na 121-3-12120342-2, at sa GCash account na Ricky Beboso sa numerong 0936-950-1340.

Para naman sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay San Carlos SAC Director Fr. Ricky Beboso sa numerong 0960-201-8169.

Pinag-iingat naman ang publiko laban sa mga mapagsamantalang maaaring gamitin ang nangyayaring sakuna upang makapanlinlang ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 87,716 total reads

 87,716 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 124,095 total reads

 124,095 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 158,227 total reads

 158,227 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 214,632 total reads

 214,632 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 180,141 total reads

 180,141 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top