Charismatic leaders sa Asia-Oceania, magtitipon sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,578 total views

Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na makatutulong ang charismatic groups sa pagpapalago ng pananampalataya ng mamamayan sa tulong at gabay ng Espiritu Santo.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa paghahanda ng Archdiocese of Cebu sa kauna-unahang National Charismatic Leaders Conference sa July 27 at 28 sa IEC Convention Center sa Cebu City.
“Because of the Holy Spirit, we are united, and we work as one community of Jesus’ believers. May we grow in service and communion for the renewal of the church by the power of the Holy Spirit,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Sinabi ni Archbishop Palma na magandang pagkakataon din ang pagtitipon ng charismatic leaders sa bansa lalo’t naghahanda ang simbahang katolika sa Jubilee Year sa 2025 na tinaguriang ‘Pilgrims of Hope’.
Kinilala ng arsobispo ang tungkulin at misyon ng charismatic groups sa pangangalaga sa kawan sa pamamagitan ng iba’t ibang karisma lalo na ang mga grupong naglilingkod sa ibayong dagat na lumilingap sa Overseas Filipino Workers katuwang ang mga chaplainces na pinangangasiwaan ng mga Pilipinong pari.
Tiniyak naman ni CHARIS Philippines National Coordinator at CHARIS Asia-Oceania team member Fe Barino na paiigtingin ng charismatic groups ang pagmimisyon sa kristiyanong pamayanan sa pamamagitan ng biyayang kaloob ng Banal na Espiritu na nagpapanibago sa tao.
“We have witnessed so many people being transformed into charismatic renewal through programs like Life in the Spirit seminars. It is the grace of God through the Holy Spirit that flows and touches everyone’s heart to conversion,” ani Barino.
Tema sa pagtitipon ang ‘You will be my witnesses’ na hango sa Gawa ng mga Apostol kabanata isa talata walo na layong pagtibayin ang charismatic leaders’ para sa synodal mission ng simbahan.
Kabilang sa mga magbibigay panayam sa dalawang araw na pagtitipon sina CHARIS Asia-Oceania Coordinator International Shyane Bennet; CHARIS International Coordinator Commission on Intercession Cyril John; theologian Moses Catan; at CHARIS Asia-Oceania Team Member Raymond Daniel Cruz.
Inaasahan ang 2, 000 delegado mula sa iba’t ibang charimatic groups sa bansa habang pangungunahan nina CHARIS Philippines spiritual director Fr. Bartolome Pastor ang banal na misa sa unang araw habang si Archbishop Palma naman sa huling araw.
Para sa mga nagnanais dumalo may registration fee na P2, 000 para sa conference kit at tanghalian sa dalawang araw na pagpupulong o makipag-ugnayan kay Billy Yap sa numero 0976-349-0031 at 0915-456-2164 para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,095 total views

 14,095 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,109 total views

 64,109 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,978 total views

 59,978 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,150 total views

 96,150 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,242 total views

 104,242 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top