Diocesan Social Action Centers, magtitipon sa Iloilo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,448 total reads

Muling magtitipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 85-diocesan social action centers (DSACs) sa bansa upang talakayin ang iba’t ibang usapin at programa sa mga kinasasakupan.

Ito ang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines, na isasagawa mula June 17-21, 2024 sa Jaro, Iloilo City.

Ang Jaro Archdiocesan Social Action Center (JASAC) sa pangunguna ni SAC Director Fr. Meliton Oso ang naatasan upang pangunahan ang NASAGA 2024 na isinasagawa tuwing ikalawang taon.

Ayon kay 41st NASAGA Overall-in-charge, Ms. Jeanie Curiano, layunin ng pagtitipon na kumustahin ang mga programa ng 85 DSACs sa bansa tulad ng pagtugon sa kalamidad, pangangalaga sa kalikasan, pagtulong sa mga higit na nangangailangan, at mga usaping panlipunan.

“Ito ‘yung pagkakataon wherein all the 85 social action centers ng dioceses natin ay magkita-kita. Sa ngayon, meron nang 60 dioceses already registered and expected around 200 participants ang makakapunta,” pahayag ni Curiano sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Sisimulan ang 41st NASAGA sa pamamagitan ng Banal na Misa sa National Shrine of Our Lady of the Candles o Metropolitan Cathedral of Saint Elizabeth of Hungary sa pangunguna ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo.

Kabilang naman sa mahahalagang tatalakayin sa gawain ang paksang The National Situationer on the West Philippine Seas na ihahatid ni University of the Philippines Institute on Maritime Affairs and Law of the Sea director, Prof. Jay Batongbacal.

Susundan ito ng Role of Philippine Church in Politics na ipapaliwanag ni Simbahang Lingkod ng Bayan executive director Karlo Abadines; at ang The Philippine Energy Situation na ibabahagi naman nina Department of Energy Usec. Felix William Fuentebella at Center for Energy, Ecology, and Development executive director Gerry Arances.

Tema ng 41st NASAGA ang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

Taong 1969 nang magsimula ang NASAGA na layong tipunin ang lahat ng SAC directors at representatives upang talakayin at aprubahan ang mga pangunahing resolusyon na may kaugnayan sa mga programa, serbisyong panlipunan, at organizational development ng Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 86,088 total reads

 86,088 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 122,557 total reads

 122,557 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 156,687 total reads

 156,687 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 213,093 total reads

 213,093 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 180,081 total reads

 180,081 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top