Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,789 total reads

Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano.

Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo ay ang pagpapakita ng awa at habag na halimbawa ng pag-ibig sa kapwa.

“Love, therefore, is the hallmark of what being a Christian is all about. We cannot be followers of Christ if there is an absence of mercy and compassion in us,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Bagaforo.

Ayon kay Bishop Bagaforo, ipinapaalala ng ebanghelyo na ang bawat isa ay tinatawag at inaasahang maging mapagmahal at mahabagin, katulad ng Panginoon Hesukristo.

Dagdag pa ng obispo na ang pagiging Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa pananampalataya, kundi tungkol din sa pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, at sa pagsusumikap na magdala ng kabutihan sa buong komunidad.

“This is what our ministry, Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace calls on us. We love as to empower those entrusted to our care…How do we empower our communities? Empowerment is to make each of us and our communities “Alter Christus”, another Christ,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Una nang nagpahayag ng pag-asa si Bishop Bagaforo na magdudulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng Caritas Philippines sa pamamagitan ng NASAGA para sa kaayusan ng lipunan.

Tema ng 41st NASAGA ang “Social Action Network: Journeying to Empower Communities in Faith, Love, and Justice”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 81,500 total reads

 81,500 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 118,233 total reads

 118,233 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 152,361 total reads

 152,361 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 208,769 total reads

 208,769 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,941 total reads

 179,941 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top