“Magpakatotoo: Magpakatao at Makipagkapwa-tao.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,692 total reads

Ito ang hamon ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization bilang guest speaker sa Ateneo de Manila University college at graduate school class of 2024 noong ika-21 ng Hunyo 2024.

Sa nasabing 2024 University commencement, ginawaran si Cardinal Tagle ng degree of Doctor of Philosophy, honoris causa.

Sinabi ng kanyang Kabunyian na bilang Atenista ay nararapat na isabuhay ang pagiging totoong tao at totoong kapwa tao sa labas ng Ateneo o sa pamayanan at lipunan.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang isang daan patungo sa pagiging totoong tao at kapwa tao ay napapaloob sa letter of St.Paul to the Ephesians “For you were once darkness, but now you are light in the lord.
Live as children of light”.(Ephesians 5:8). We are not called to be light by ourselves but to be light in the Lord. Jesus says in the Gospel of St John, “I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life.” (John 8:12).

Nilinaw ni Cardinal Tagle na sa pamamagitan ng liwanag ay mababanaag natin ang isang totoong tao at totoong lingkod ng kapwa tao.

Ipinaalala ng kanyang Kabunyian na madalas hindi nakikita ng tao ang kabutihan at kagandahan ng kapwa kapag binabalewala nito ang liwanag ng panginoon.

Inihayag pa ni Cardinal Tagle na laganap ang kadiliman si mundo dahil sa “huwad na liwanag”, kung saan itinatago ng marami ang liwanag sa kapwa, sa simbahan at lipunan dahil sa pagiging makasarili at katamaran na nagiging sanhi ng paglaganap ng kadiliman.

Tinukoy din ni Cardinal Tagle ang mga taong ginagawa ang lahat para makilala ang sarili at pinagsisilbihan lamang ang sarili tulad ng mga halal na opisyal ng pamahalaan.

“There are also many people who seek their own glory; they seek adulation, likes and followers. They do not retreat to the background. Just look around our towns and cities. Every lamppost must have the name of the donor. Every bench must memorialize a benefactor’s family. Every playground must bear the name of the official who constructed it. Every spotlight must be focused on them. They end up serving themselves more than others. In fact they could be manipulating people and situations to serve their fame and power. That is how darkness spreads. “bahagi ng habilin ni Cardinal Tagle sa mga Ateneans

Ang mga problema at hamon ni Cardinal Tagle sa mga graduate ay sumasalamin sa kasalukuyang problema ng education system sa bansa.

Nabatid sa pag-aaral ng IBON foundation na tumaas ang “job losses” o bilang ng mga nawalan ng trabaho sa unang quarter ng taong 2024 na naitala sa 1.3-milyon mula sa
49.3 milyon na employed noong unang quarter ng 2023 ay bumaba ito sa 48-milyong sa first quarter ng 2024.

Base naman sa April 2024 Labor Force Survey ng Philippine Statistic Authority, umabot sa 50.31-milyon ang mga Filipino na may edad 15-taong gulang pataas ang napabilang sa labor force noong April 2023 ngunit bumaba ito sa 48.9-milyon nitong April 2024.

Sa inilabas na Basic Education Report 2023 ng Department of Education, tinukoy ang mga problemang kinakaharap ng public school sa bansa tulad ng school facilities at learning resources.

Sa buong bansa ay mayroon lamang na 327,851 school buildings kung saan 104,536 ang kalagayan.

Tinukoy din sa ulat ang problema sa curriculum at employability kung saan lumabas sa 2018 Programme for International Students Assessment (PISA) na 81-percent ng mga Filipino students ay hindi kayang sagutin ang basic math problems, 81-percent din ang hindi nakakaunawa sa moderate text length, 78 percent ang hindi nakakaunawa at nakakasagot ng tamang scientific phenomena at magbigay ng conclusion sa ibinigay na data o datos.

Ang problemang ito ay hindi natugunan ni VP President Sarah Duterte bago magbitaw sa puwesto bilang secretary ng Department of Education.

Sinabi ng kanyang Kabunyian sa kanyang keynote speech na ang laganap ang kadiliman sa mundo ay resulta ng kabiguan ng tao na kahinaan at tinalikuran ang totoong pagkatao at kapwa tao upang manatili ang pride, maabot ang ambisyon at kumamkam ng kayamanan.

Hinimok naman ni Cadrinal Tagle ang lahat ng mga graduates na huwag maging pabigat sa lipunan at maging humble(mapagkumbaba)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 81,501 total reads

 81,501 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 118,234 total reads

 118,234 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 152,362 total reads

 152,362 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 208,770 total reads

 208,770 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top