Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,604 total views

Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024.

Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na kemikal.

Ang mensahe ni Dizon ay mula sa ginanap na lecture forum na may paksang “Community and Collaboration: Uniting to Prevent Poisoning,” sa Brgy. Sto. Niño, Galas, Quezon City nitong Hunyo 27.

“Aside from common household items that are explicitly hazardous, there are also everyday children’s items such as toys, school supplies, and care products that may seem harmless but actually contain toxic chemicals,” ayon kay Dizon. Tinukoy ng opisyal ang mga produktong pambata sa mga pamilihan na napag-alamang naglalaman ng mga mapanganib at nakalalasong kemikal tulad ng lead, mercury, cadmium, at iba pa.

Paalala ni Dizon sa mga magulang na bago bumili ng mga produkto’y mahalagang suriing mabuti ang nilalaman nito at tiyaking pumasa sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).

“Do not buy products that have no label or information. Also, check if the product has been notified by the Food and Drug Administration…As much as possible, buy from reputable stores that are duly registered,” dagdag ni Dizon.

Inihayag din ng BAN Toxics na kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang paglikha at pag-aangkat ng mga produktong may sangkap na mapanganib na kemikal habang tungkulin ng bawat tahanan at pamayanan ang maging mapagmatyag sa pagbili at pagtiyak sa kaligtasan ng mga bata.

Una nang hinikayat ng grupo ang pamahalaan na itaguyod ang “Safe and Non-Hazardous Children’s Products Act” na panukalang pinagtibay ng 18th Congress noong 2017 ngunit hindi naisabatas sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1777 noong 2009, idineklara ang ikaapat na linggo ng Hunyo bilang National Poison Prevention Week na layong paigtingin ang kamalayan ng publiko sa iba’t ibang paraan upang maiwasan at mapigilan ang pagkalason sa mga tahanan, paaralan, trabaho at iba pang lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 9,907 total views

 9,907 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 19,271 total views

 19,271 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 45,727 total views

 45,727 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 96,064 total views

 96,064 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 100,941 total views

 100,941 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top